S3 NOTE:

7K 469 171
                                    

SEASON 3 COVER BY ACCEL VILLALOBOS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SEASON 3 COVER BY ACCEL VILLALOBOS

*********

S3 NOTE:

Maraming salamat sa mainit na pag tanggap sa THF, ito yung pinaka unang story na isinulat ko na umabot ng 100k within 3 weeks. Totoo pa rin pala talaga na hindi pa rin nawawala yung meteor garden spirit sa mga fans bagamat sobrang pressure ako nung ginagawa ko ito kasi may reputasyon itong meteor garden bilang isa sa pinaka magandang asianovela noon sa telebisyon. Yung tipong kahit alam niyo na yung mangyayari ay "GO" pa rin kayo sa pag babasa kaya minsan talaga ginagawa kong challenge na ibahin at isurprise kayo para may bago naman.

Gaano ko katagal ginawa ito THF? Kulang one month lang yata, hindi ko naramdaman na tapos na siya kasi nag enjoy ako though medyo stress sa ibang mabibigat na scenes lalo na dito sa season 3. Alam ko ring nag dulot ng sakit at stress sa inyo yung season 2 dahil sa daan daang private message at email na natatanggap ko sa inyo.

******

Characters:

GAVIN AT ERJUN

Hindi daw nag sshine ang character nina Gavin at Erjun, medyo nahuli daw ito kumpara kina Yuji at Kiro. Ang explanation, dahil sila ay character support lamang dito sa kwento ko. Kahit naman sa original series sa TV ay support lang rin sina Ximen at Mei Zuo, nag karoon lang kaunting shine ang charater ni Ximen dahil niligawan niya si Xiao Yu na kaibigan ni Shan Cai pero hindi ko naman iyon inapply dito sa story ko.

Kung ang atakeng ginamit ko ay katulad sa LOA maaari kong gawaan ng POV ang lahat para mag karoon ng balance na character build up. Kaso ay POV ni Blas ito at nakafocus lang ang feelings at emosyon niya kay Yuji at sa mga challenges sa buhay niya kaya't hindi talaga mag sshine sina Gavin at Erjun. Kaya kung nakukulangan kayo sa kanila ay wala tayong magagawa kasi ang focus ng story ay kay Blas at Yuji mismo.

EVAN AT LIPPI

Kasali pa rin sila sa season 3, ang malaking tanong ay kung kaaway pa rin ba sila doon o mag babago ang ihip ng hangin para sa kanila. Iyan ang dapat ninyong abangan.

NEW CHARACTERS

Maraming bagong characters sa Season 3 ang inyong aabangan. Wala na si Blas sa siyudad kaya bagong environment na ang gagalawan niya. Bawat bagong tauhan ay may mahalagang role sa buhay niya kaya iyon ang mag bibigay excitement sa parating na season.

Roller Coaster pa rin ang emosyon sa S3 at syempre tatak na natin ang kalidad na twist kaya asahan ninyong mayroon rin. Medyo malayo na ito sa orihinal na Meteor Garden, siguro ay sapat na ang season 1 and 2 na doon tayo nag base. Ngayon new season ay masasabi kong galing na mismo ito sa akin bilang isang simpleng manunulat.

**********

At tungkol naman sa mga readers na maraming achuchu, hanash at demand sa buhay pasensiya na kayo kung may pag kakataon na hindi ko name-meet ang gusto niyong mangyari, hindi ko naman nababasa ang utak ninyo para malaman ko na ganito, ganyan ang expectation niyo sa magiging outcome ng events. Kung talagang hindi ko na reach ang taas ng expectations niyo pwede naman kayong umalis at huwag na ituloy ang pag babasa.

At para naman doon sa mga nag sasabi na paulit ulit na nag tataksil yung mga character ko, hindi ko naman kayo pinupwersang basahin, saan ako nag kulang sa paunawa? Kada chapter may paunawa tayo, bukas ang page para pumasok ka at umalis ng malaya. Ngayon, hindi na ako nakikipag talo sa mga negative comments e, muted nalang sila sa akin. Iyon nga lang kahit muted na kayo ay nababasa niyo pa rin pala yung gawa ko kahit hindi niyo naman deserve. Reality base ang pag tataksil, kung hindi mo kayang harapin ang sakit ay umiwas ka, wala naman akong sinabi sa iyo na manatili ka sa nasusunog na bahay hanggang sa maging abo ka.

Bakit daw inilalagay ko ang sarili ko sa story? Kung mapapansin niyo laging kasali si Ai Tenshi sa story bakit? Kasi one way ito para ipakat yung pangalan ko sa story na kahit icopy paste nila ay nandoon pa rin ang pangalan ko kahit baguhin nila ito ay mahihirapan pa rin sila. Huwag niyo sanang gawing katatawan o sinasabing epal, pasikat kuno. Ito ang way ko para protektahan ang mga gawa ko, sa pamamagitan ng pag lalagay ko ng mga nagawa ko nang story doon katulad ng LOA, Aluguryon at mga Alyas.

Author's Note, wala namang masama sa pag lalagay ng author's note as long as hindi ito nakaka apekto sa takbo ng kwento. Kahit ako may mga AN sa story ko dahil kailangan kong iexplain ang isang bagay lalo't komplikado itong unawain. Nasa iyo naman iyong kung babasahin ninyo o iignore nalang..

*****

Marami na akong naicover na movie at mga novel sa tv. Kung ikaw ang tatanungin ko, ano ang gusto mong icover ko at bakit?

Muli po, maraming salamat sa pag mamahal at suporta ninyo. Hanggang sa susunod na kwentong tiyak na mamahalin at mag bibigay ng aral at inspirasyon sa ating lahat..

 Hanggang sa susunod na kwentong tiyak na mamahalin at mag bibigay ng aral at inspirasyon sa ating lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ai_Tenshi

BXB 2020

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon