THF Part 8

9K 552 18
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 3, 2020

Part 8

"Jay, sandali lang. " ang pag habol ko sa kanya.

Huminto siya sa pag lalakad at humarap sa akin. "Wala akong mukhang maihaharap sa iyo Blas." ang wika niya.

Natawa ako "Ano ka ba, wala iyon. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi mo naman ako kailangan iwasan."

"Pasensiya kana sa pagiging duwag ko. Alam ko naman na dapat ako ang nasa kalagayan mo ngayon at marahil ay iniisip mong wala akong kwentang tao. Ang totoo noon ay natatakot akong maalis dito sa campus. Ito lang kasi ang mayroon ako sa ngayon kaya't umiiwas ako sa gusot. Ang ginagawa ko ay para sa pangarap ko." ang wika niya.

"Ang ginagawa ko rin ay para sa pangarap ko, kaya heto lumalaban ako kahit may mga oras na gusto ko nang sumuko. Wala akong iniisip na kahit anong masama laban sa iyo. Hindi mo naman ako kailangang iwasan. Sana ay maging mag kaibigan pa rin tayo. Ayos lang ba sa iyo iyon?" tanong ko habang naka ngiti.

Ngumiti rin siya at tumango bilang sukli. Pag katapos ay muli itong tumalikod sa akin at saka lumakad palayo at naiwan akong mag isa sa hallway.

Habang nasa ganoong posisyon ay napansin ko si Kiro na naka upo sa duyan sa ilalim ng pinaka malaking puno dito sa campus sa di kalayuan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para lumakad at puntahan siya.

Huminto siya sa kanyang ginagawang pag babasa saka tumingin sa akin pero agad rin niya itong binawi. "Maga pa yung mga pasa mo sa mukha." ang wika niya.

Ngumiti ako at tumabi sa kanya. "Mawawala rin ito sa pag lipas ng araw. Salamat nga pala sa pag tulong mo sa akin kahapon. Nilabhan ko ang jacket mo, isasauli ko ito sa iyo bukas."

"Sa iyo na iyon." ang sagot niya.

Tahimik ulit..

Kapwa kami naka tanaw sa kalayuan..

"Bakit parati kang nag iisa?" tanong ko.

Humarap siya sa akin. "Minsan maganda ang nag iisa. Dito ay makakasigurado ka na walang makaka sakit sa iyo." sagot niya

"Bakit ang seryoso mo sa lahat ng bagay? Parang kabaligtaran ka ni Yuji" pang uusisa ko.

"Ganito lang talaga ako. 60% ng pag katao ay boring kaya mas gusto kong mag basa ng aklat, isang paraan ito ng pag papalipas oras. Si Yuji ay walang hilig sa aklat, minsan kapag bumibili siya ng libro ay inuutusan pa niya ang kanyang alalay na basahin ito sa harap niya at siya ay makikinig nalang." sagot niya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon