THF Part 90

6.5K 524 43
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 5, 2020

Napatitig ako sa kanya, at siya napatitig sa akin...

Maya maya ay inalis niya ang tissue at parang nawala sa kanyang sarili. Ginamit niya ang kanya hinlalaki para alisin ang natirang dugo sa aking labi.

Nakatitig pa rin siya sabay bigkas ng mga katagang. "God, you're so handsome."

Part 90

Natawa ako. "Palabiro ka rin pala Mr. Cuanzon." ang wika ko dahilan para mag balik siya sa kanyang ulirat.

Natawa rin siya. "I'm sorry." ang wika niya.

"Okay lang. Salamat. Napaka careless ko kasi e." ang tugon ko sabay upo ulit sa aking bangko.

"Siya naman ay uminom nalang ng wine at tatlong beses na lumagok."

"Mag ddrive ka pa, huwag kang masyadong uminom." ang naka ngiti kong sagot. Pero natawa siya at maya maya ay tumitig nanaman sa akin. "May nakapag sabi na ba sayo na ang pinaka magandang feature ng mukha mo ay ang labi mo? I thought naka lip gloss ka pero natural pala talagang mapula ang labi mo. Ako lang ba ang nakapansin nito?" tanong niya.

"Actually, mayroon na. Isang dating kaibigan. Sabi niya mapula daw yung labi ko tapos akala niya ang sikreto ko ay yung hawak kong pamatay ng insekto kaya inagaw niya ito at siya yung nalason. Mabuti nalang hindi siya napahamak." natatawa kong sagot.

"Kawawa naman yung kaibigan mo na iyon. Siguro may gusto siya sa iyo kaya napapansin rin niya yung labi mo."

Nag kibit balikat ako. "Hindi ko na maalala. Yung kaibigan ko na iyon tinamaan ng malubhang karamdaman at namatay. Siguro ay inuuod na siya ngayon doon sa lupang kinalalagyan niya," ang wika ko na parang nalungkot kunwari.

"Sorry, sana hindi na ako nag biro."

"Okay lang. Yun naman talaga ang cycle ng buhay tama diba? May umaalis, may dumarating, may namamatay may nabubuhay."

"Oo" sagot niya at napatitig nanaman sa akin.

"Alam mo Mr. Cuanzon, the habit of staring to someone can lead to either of the two serious consequences, intense addiction with paranoia or falling in love. So alin sa dalawa?" tanong ko.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon