THF Part 87

6.8K 563 129
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 3, 2020

Part 87

"Nice, ang ganda ng shot nito ah. Para kang actor sa isang asianovela." ang wika ni Miss Justine habang pinag mamasdan ang aking larawan na ang nag shot ay ang bagong member ng f4 na si Iverson Cuanzon.

"Kanina habang nakatayo ako doon sa ilalim ng puno ng Sakura ay bigla niya akong kinuhanan ng larawan. Maganda daw kasi ang scene na naka tingala ako sa puno habang namamangha."

"Talaga ba? Kung sa bagay may ganoon talagang tao na naappreciate ang ganda ng isang bagay. Isa siyang artist at ang galing niyang mag shot ha, to think na polaroid lang ang gamit niya." ang wika niya habang umiinom ng wine.

"Sana nga hindi nalang kami nag kita." sagot ko.

"Sino ba iyon? Kilala mo ba?" tanong niya

"Si Iverson Cuanzon. Yung bagong miyembro ng F4." ang wika ko sabay hagis ng aking larawan sa basurahan.

"What?!" ang gulat na tanong ni Miss Justine naibuga pa niya ang iinom. "Siya talaga? Small world ha. O baka naman nag pakilala ka pa?" tanong ko.

"Hindi naman. Wala akong sinabing kahit ano."

"Good, mabuti kung ganoon. Hoping nalang tayo na wala na siyang copy ng larawan mo. Next time huwag kang lalabas mag isa, baka kung mapano ka." wika niya.

"Hindi pa ako handa para makita nila." tugon ko sabay upo sa sofa at saka uminom ng alak.

"Hep hep, wala iyan. Iwas ka sa mga toxins remember yung kidney mo, isa nalang iyan baka makasama sa iyo." pag pigil ni Mr. Jeron at siya ang uminom ng alak na hawak ko.

"Pero infairness ang gwapo rin nito si Iverson hano? Mala Kiro rin ang datingan, ganda rin ng katawan, matangkad rin. Mas kilala siya tawag na Ison Cuanzon at siya ang bestfriend ni Yuji sa training camp kung saan siya nag aral ng self defense. Madalas rin silang pag tapatin ni Yuji sa mga issue ng magasin bilang cover. Ayan ha kinakailangan ko pang mang stalk para lang malaman kung anong kalibre niyang bagong member ng F4. Pero mas okay pa rin si Kiro, mas mukhang matalino at sweet tingnan." wika ni Miss Justine.

"O siya, bukas na yang tungkol kay Cuanzon, kailangan mo na mag pahinga master. Sa susunod na linggo ay darating na si Donya Briguela Armada, siya na mag hahawak sa iyo kaya dapat mag sanay pa tayong mabuti." tugon ni Mr. Jeron.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon