THF Part 109

7.7K 544 87
                                    

Photo by Rex Zadji Crisostomo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo by Rex Zadji Crisostomo

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 10, 2020

Part 109

Tatlong linggo ang nakalipas ang pag uusap namin ni Yuji. Kahit papaano ay nag kakaunawaan na kaming dalawa bagamat may pag kakataon na binabalot pa rin ako ng pag kainis kaya nasusungitan ko siya lalo na kapag maraming gawain at nangungulit siya. Malaking pag babago ang naganap kay Yuji, hindi na siya yung ganoon kayabang, ngayon ay mahalaga na sa kanya ang ultimo kusing na nanalaglag sa kanyang bulsa. Katulad nalang noong isang araw ang tagal niyang hinihintay ang sukli niya tatlong piso sa cashier ng department store. Hindi ako sanay na makita siyang ganoon pero sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil marunong na siyang mag pahalaga sa mga bagay na mayroon siya ngayon. Ang kanyang luho ay inisang tabi na niya dahil ngayon ang focus niya paunlarin ang kanyang sarili. Masaya siya sa simple niyang buhay, ngayon ko nakikita ang totoong ngiti niya kapag kumikita ng kurampot mula sa kompanya.

"Ayoko ng masyadong magarbong birthday. Kung maaari ay doon lang tayo sa rest house ni Donya Briguela sa tabing dagat tapos ay mag sasaya tayo doon, mag kakantahan, kakain ng marami. Basta simple lang ang gusto ko." ang wika ko habang nag uusap usap kami sa opisina.

"Pero ang gusto ni Donya Armada ay sa isang malaking hotel ka mag birthday." ang wika ni Mr. Jeron.

"Ako na lamang ang bahalang kumausap kay Donya Briguela tungkol doon. Basta simple lang ang gusto ko, pero masaya." ang sagot ko habang naka ngiti.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay pumasok ang receptionist sa conference room. "Mr. Hunter Armada, may nag nanahanap po sa inyo sa lobby.

"Sino daw?" tanong ko.

"Si Mr. Iverson Cuanzon po, anak ng CEO ng Cuanzon Corp." ang wika nito.

Natingin ako kay Yuji at kay Mr. Jeron. "Sige susunod na ako." ang wika ko sabay tayo.

"Sasama ako." ang wika ni Yuji sabay tayo rin sa kanyang kinauupuan.

Agad akong bumaba sa lobby kasama ang aking mga body guard at pati si Yuji ay bumaba rin. Bakas sa kanyang mukha ang pag tataka. Sa aking pag kaka alam ay naka kulong si Iverson, kung sa bagay may kaya rin siya kaya't kahit gaano kalaki ng piyansa nito ay makalaya at makakalaya pa rin.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon