THF Part 79

5.6K 435 31
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 2, 2020

Part 79

"Step one, back, step two, forward, step one, step, step and ikot ikot and step back!" ang wika ng dance instructor ni Donya Briguela. "Diba napaka simple simple lang ng step pero ang sexy ng datingan!" ang dagdag pa nito

"Nalilito kami ni Tommy sa step mo bakla. Halika nga dito Blas, partneran mo tong shokla na ito. Step ng step na parang baliw dito." ang utos ni Donya Briguela kaya naman lumapit ako sa instructor at ako ang nag partner dito.

"Imbyerna yang amo mo ha. Parehong saliwa ang paa ng jowa niyang callboy." ang naiinis na bulong ng D.I sabay kapit sa akin at dito ay nag sayaw kaming dalawa. "O mamush ganito ang step, uurong, susulong, step pak, step pak! Jikot, jikot! Awra ng shembot pababa at pak! Pose!"

Ginaya ni donya briguela nag step, pero parehong saliwa ang paa ng mga ito. Tapos halata pang walang paki si Tommy at bored na bored sa kanilang ginagawa. "Mamush sure ka ba talaga na sasayaw ka ng sexy dance?" tanong ng beki na awang awa sa donya.

"Sure ako, kaya nga sexy slutty angel costume ang pinagawa ko no." ang sagot ng matanda.

"Eh kung tumula ka nalang kay mamash? O kaya kumanta ng kundiman?" tanong ng beking D.I

"Huwag mo nga akong asarin! Hindi ko kailangan ng opinyon mo halimaw na bakla na to. Nandito ka para turuan ako mag sayaw. Gusto mo pa bang makalabas ng buhay dito? Sayaw naaaa!!" ang sigaw ng matanda sabay yakap kay Tommy at umiyak ito. "Babe inaapi nila ako." ang parang pabebeng iyak nito.

"Hala, nakaka diri naman yan." bulong ni Dooday sa likod..

"Alam ko na, since hindi kayo gaanong magaling mag sayaw, kailangan mag iba muna kayo ng partner. Ikaw pogi (sabay hila sa akin) dito ka muna tumambal kay donya Briguela."

"Teka po tatawagin ko si kuya Tarzan para tambalan niya si Donya Briguela. Kuyaaaa Tarzann!" pag tawag ng bigla akong sinabunutan donya. "Tumigil ka nga Blas! Ikaw nalang! Uupakan na kita dyan e!" ang galit na wika nito sabay amba sa akin.

"At ikaw naman babaeng di masyadong kalakihan ang boobs dito ka mag partner kay Tommy." ang wika nito sabay hila kay Dooday.

"At ikaw naman ateng na long hair na kanina pa hinahangin ang buhok mong oily, dito ka partneran mo ako." ang dagdag pa ng D.I sabay hila kay Je.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon