THF Part 85

6.1K 490 32
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 3, 2020

Part 85

Kinabukasan, pag mulat ng aking mata ay agad akong sumilip sa bintana ng aking silid. Ang kapaligiran, ang amoy, ang klima ay ibang iba. Mula dito sa itaas ay nakikita ko ang maraming mga taong nag lalakad sa kalsada, ang lahat ay abala. Tila yata panandaliang nalimot ng aking isipan, nasa ibang bansa na nga pala ako at dito mismo sa Japan magaganap ang aking pag sasanay. Ninamnam ko ang ganda ng paligid, ilang malalim na pag langhap ng hangin ang aking ginawa bago ako makarinig ng katok sa pintuan. "Mr. Armada, naka handa na po ang breakfast sa ibaba. Nandoon na po sina Miss Justine at Mr. Jeron." ang wika nito.

"Susunod na ako." ang sagot ko at inayos ko muna aking sarili bago bumaba.

Pag baba ko palang ng hagdan ay binabati ako ng mga tao sa paligid. Hindi pa rin ako nasasanay na Hunter Armada ang tawag sa akin kaya kung minsan ay hindi agad ako lumilingon kapag ako ay tinatawag nila. "Kamusta ang tulog mo?" ang tanong n Miss Justine.

"Maayos naman, medyo masakit lang ulo ko." sagot ko

"Master, coffee?" ang alok ni Jeron.

"Salamat po." ang sagot ko.

"Ang isang mataas na tao ay hindi gumamit ng salitang PO sa kanyang mga kausap. Maliban nalang kung matanda ito at dapat igalang." ang wika nito.

"Jeron, huwag mo nga biglain si Blas i mean si Hunter, alam mo naman na hindi pa siya nakaka adjust." wika ni Miss Justine sabay labas ng isang printed na papel. "Heto ang iyong schedule."

"Huwag biglain tapos papakitaan mo ng schedule si Master? Palabiro ka rin pala Miss Justine." ang natatawang sagot ni Jeron.

"Okay lang, sanay naman itong si Hunter sa mga toxic na gawain. Every morning from Monday to Thursday starting 8am to 3pm ay mag ttraining ka under Mr. Jeron, ididiscuss niya sa iyo ang nature ng corporation. Then, 3pm to 8pm ay sa akin ka naman, personality development ang ating gagawin.

Friday naman ay whole day ka kay Mr. Jeron, hands on, observation and familiarization sa mga transactions ng corporation ang gagawin mo mag hapon starting 8am to 7pm.

Saturday naman sa akin ka mag buong mag hapon para sa proper grooming, tapos marami tayong ireretoke sa katawan mo, dapat maging model ang pormahan mo para lumuha ang ex mong si Yuji Guarin. At dapat ay tumangkad ka pa, ipatuli kaya kita ulit? 5'7? Not enough Jeron!" ang reklamo ni Miss Jus habang binabasa ang schedule.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon