THF Part 69

5.7K 402 79
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 30, 2020

Part 69

Ilang minuto rin ako sa pag hihinagpis hanggang sa ayain ako ni Kiro sa rooftop, sa isang tahimik na lugar na kahit umiyak ako ng paulit ulit walang makaka kita at makakarinig sa akin. "Parang noon isang araw ay sinabi niya sa akin na huwag akong bibitiw, na pareho kaming lalaban. Pero bakit ganoon?" tanong ko kay Kiro.

"Hindi ko alam ang isasagot ko Blas, hindi ko pa nakakausap si Yuji tungkol dito." ang sagot ni Kiro.

"Kung sa bagay, bakit nga ba umaasa pa rin ako e mapapangasawa niya iyon. Baka narealize na niya na dapat ay doon siya dahil may future siya doon, at hindi sa isang katulad ko."

"Blas, huwag kang mag salita ng ganyan. Lalo ka lang masasaktan." ang tugon ni Kiro.

"Binigay ko lahat ng pag mamahal ko sa kanya. At iyon ay isang malaking pag kakamali." ang wika ko.

"Bakit mo nasabing pag kakamali iyon?" tanong niya.

"Dapat pag may mahal ka, wag mo ibuhos ang lahat. Wag mo ipakitang mahal na mahal mo sya. Baka dumating ang araw ng magsisi ka dahil baka sabihing nyang, "mahal mo naman ako di ba? Di ka naman magagalit kung iiwan na kita?" sagot ko habang naka tanaw sa malayo.

"Pero hindi sasabihin ni Yuji iyon sa iyo. Mag tiwala sa kanya." ang sagot ni Kiro

"Nasasaktan lang ba ako kaya ko nasasabi ang lahat ng ito?" tanong ko ulit..

Hindi siya naka sagot..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay dumating si Vann sa rooftop na aking ikinagulat. Nakatayo siya at lumapit sa akin noong makita ako. "Blas." pag tawag niya

Nag pahid ako ng luha. "Ikaw pala Vann." ang tugon ko.

"Blas, alam ko ang dahilan kung bakit bakas sa iyong mukha ang pag iyak. Dahil nakita mo na yung larawan namin ni Yuji kahapon sa social media diba? Ang totoo noon ay binigyan lang ako ni Yuji ng pag kataong makikilala niya. Ang sabi niya sa akin ay susubukan niya akong mahalin rin. At realize ko rin kahapon na mabait pala talaga siya, sweet at parang bata. Naging masaya ako na kasama siya halos di ko na mamalayan na lumilipas ang oras. At kung iniisip mo na may naganap sa pagitan namin. Hindi naman ako sinungaling Blas, mayroon.  Mag kasalo kami ni Yuji kagabi. Iyon ang pinaka masarap na feeling na naranasan ko, ibang iba sa lahat ng mga lalaking natikman ko. Sa kanya lang ako nabaliw ng husto. Pero anong big deal doon? Sa Milan? Nakikipag sex ako sa mga taong gusto ko, wala lang doon ang usaping sex. Hindi ito big deal lalo na sa mga lalaking katulad natin. Dito lang naman yata sa Pilipinas nagiging emosyonal ang tao pag dating sa usaping ganito. May karapatan naman kami diba? Kasi ako ang fiance niya. Sorry Blas, hindi naman ako nag taksil sa iyo. May label din naman ako sa buhay ni Yuji at mas mataas ang label ko sa label mo." ang wika niya

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon