THF Part 41

8.1K 496 25
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 22, 2020

Bago mahuli ang lahat ay dumating sina Erjun para kami ay tulungan. Halos gumuhit ang matinding pag alala sa kanilang dalawa noong makita ang mga dugo sa katawan namin ni Yuji.

"Iligtas niyo siya. Unahin niyo si Blas." ang utos ni Yuji noong isakay kami sa medics.

"Bro, relax mas matindi rin ang tama mo. May saksak ka pa sa likod. Pareho kayong makakaligtas." ang wika ni Erjun bagamat pati ito ay natatakot rin.

Tumama ang aking paningin sa ilaw ang ambulansya at kasabay nito ay ang aking pag pikit dulot ng pinag halong pagod at matinding sakit..

Part 41

Report: Ipinakita ng mga Alter sa Twitter na sila ay kapaki pakinabang sa pamamagitan ng pag rerecycle sa kanilang mga condoms para gawing facemask at ipapamahagi ito sa mga lugar na apektado ng virus. Ang ilan sa kanila ay nag pamahagi pa ng mga maskara na may icon ng aso, baboy, mga emoji na nakaraniwang pinang tatakip nila sa mukha sa tuwing sila ay mag uupload ng video sa social media.

Samantala, balitang showbiz naman tayo. Sikat na Pornstar na si Nix Jim o mas kilala sa codename na PowerNixon ay inaresto ng mga pulis kahapon dahil sa pambubugbog sa dalawang mag aaral ng Empire University. Hindi na pinangalanan ng mg pulis ang mga estudyanteng binugbog dahil ito ay isang sensitibong issue at hindi na kailangan pang ilabas sa publiko. Sa ngayon ang dalawang mag aaral raw ay kasalukuyang nag papagaling sa isang pribadong ospital sa siyudad. Sinubukan naming hingan ng pahayagan si Nixon Jim pero sa halip na idepensa ang kanyang sarili ay nag promote nalang ito ng kanyang upcoming pornmovie na pinamagatang "Asian Dragon."

Sa iba pang balita, naspotan naman sa New York ang sikat na international model na si Biew Yamin kasama ang young entreprenuer at rumored boyfriend na si Kiro Park na mag kaholding hands habang lumalakad sa isang public place. Umani ng milyong likes at comments ang naturang larawan. Marami ring babae at lalaki ang kinilig dahil sa pag kalat ng positibong larawan.

Ako po si Cherry Mae Lawit ang one and only beautiful daughter ng legendary icon na si Liza Mae Lawit. At ito ang ADS CGN! IPUTOK MO! 3X AHH AHH YEAHH!

End of report

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Erjun noong magising ako. Masakit ang aking ulo, likuran at mga kalamnan.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon