THF Part 40

7.8K 506 23
                                    


PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 21, 2020

"Who cares sa school mong pinag haharian ng bobong F4? Alam mo ba na may atraso sa akin si Yuji Guarin at ngayon palang ako maniningil?"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Anak lang naman ako ng isang beteranong guro at pinatalsik niya, inalisan ng trabaho at sinipa pa siya sa mukha. Kaya naman naisip kong gumanti sa kanya. At iyon ay nag sisimula na ngayon." ang wika niya at dito nakaramdam na ako ng pag bigat ng aking ulo, napatingin ako sa alak na aking ininom at dito nakita kong nakangisi si Nixon habang hawak ang isang bote ng gamot na pampahilo.

Nanlaki ang aking mga mata at pag katapos ay bumigat ang talukap nito saka ako nasubsob sa lamesa..

Wala na akong naalala.

Part 40

Noong bumalik ang aking malay ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatali sa loob ng isang abandunadong gusali. Hilong hilo pa rin ako, kumikirot ang aking bungo at ang aking paningin ay nanlalabo. Naka hubad ako at tanging boxer nalang aking suot. "Gising kana pala Blas, kamusta ang tulog mo?" tanong ni Nixon sabay upo sa aking harapan, hinimas himas niya ang aking pisngi pero iniwas ko ito. Pero natawa lang siya at muling ginusot ang aking buhok. "Nilalamig ka ba?"

"Huwag mo ako hawakan! Bakit mo ba ito ginagawa? Anong kasalanan ko sa iyo?"

"Wala kang kasalanan Blas, nag kataon na kailangan kita gamitin para makaganti kay Yuji Guarin. Alam mo ba planado ang lahat ng ito, mula noong araw na bigyan kita ng calling card, pati ang pag tulong ko sa iyo ay planado rin. Nais kong maging malapit sa iyo dahil alam kong ito lang tanging paraan para mabitag si Yuji." ang sagot niya.

Natawa ako. "Sa tingin mo kakagat si Yuji sa plano mo? Nag papatawa ka ba Nixon?" tanong ko

"Sshh, huwag ka sa akin magalit. Hindi kita sasaktan, ang totoo noon ay plano pa nga kita paligayahin para makabawi sa iyo." ang tugon niya sabay kuha sa kanyang cellphone.

Videocall ang kanyang ginawa..

Maya maya ay sinagot ni Yuji ang tawag. "Kamusta pare?" bungad nito habang naka ngiti.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon