THF Part 60

7.1K 445 55
                                    

Ryu Seung as Gido Guarin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryu Seung as Gido Guarin

*********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 28, 2020

Part 60

"Ayos ang ginawa mo Blas. Buti may baon kang bala." ang wika ni Kiro.

"Iyon nga lang ay parang lalong nagalit yung tatay ni Yuji." ang bulong niya habang naka tingin sa ama ng ni Yuji na noon nawalan kibo at panandaliang nag isip. Batid kong inaayos niya ang kanyang sarili sa kahihiyan na inabot kanina.

Huminga ito ng malalim at saka ngumiti.

Tumingin siya sa akin ng tuwid..

Maya maya ay lumakad siya sa mikropono at nag salita. "Ayokong sirain ang kaarawan ng aking anak na si Yuji dahil lang sa isang panauhing mapag panggap. Isang magandang gabi ito para pag diwang ang dalawang mahalagang anunsyo na iyong ikatutuwa. Ang UNA ay ang pag bubukas ng bagong network telecom na pag aari ng Guarin Corporation. The UltraTelecom is the advance and the fastest mobile network in international arena. Ngayon ay ikinalulugod kong ibalita sa nandito na ang pinaka mabilis na internet signal sa ating bansa." ang proud na wika nito.

Palakpakan..

At ang IKALAWANG balita ay ang nakatakdang kasal ng aking anak na si Yuji Guarin sa anak ng aking business partner na si King Harlem Durria. Siya ang may ari ng pinaka malaking oil at fuel company sa buong asya. Ang aking anak na si Yuji ay naka arrange para sa isang politikal kay Prince Vann Durria ang taga pag mana ng kanilang coporation. Dahil ito ay isang politikal marriage hindi mahalaga ang kasarian ng dalawang mag iisang dibdib. Ang mahalaga dito ay ang kasulatan at ang pag hahalo ng mga kayamanan ng mga Durria at Guarin.

Tinitiyak ko na mas uunlad ang ating ekonimiya kung kakaroon ng pag bibigkis ang dalawang malaking korporasyon ang Durria at Guarin. Yaman lang rin lamang at lalaki rin ang nag patibok sa puso ng aking anak, bakit hindi nalang siya sumama sa isang makapangyarihang prinsipe? Ladies and Gentlemen, malugod kong ipinakilala sa inyo si Prince Vann Durria ang fiance ng aking anak!" ang wika niya at dito lumabas ang isang gwapong ring lalaki na naka suot ng magarbong damit.

Palakpakan ang mga tao sa silid..

Palakpakan ang mga tao sa silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon