THF Part 3

11K 642 88
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 1, 2020

Humarap ako sa camera ng cellphone niya. "Mangarap ka ng gising! Gago!" ang sigaw ko sabay hubad sa aking sapatos at itinapon ko ito sa kanyang mukha, naaout of balance siya dahilan para matapat sa kanya ang camera ng kanyang cellphone at marecord ang pag bagsak niya sa lupa habang nasa mukha ang aking sapatos.

"Shit! Pare nag upload!" ang wika ng isang kasamhan niya.

"Oo nga pare, nag upload, kitang kita na nasa mukha mo yung sapatos!" ang natatawang wika ng isa at dito ay nag notif na sa mga tao sa paligid ang video clip niya.

Bumangon ito at napatingin ng masama sa akin. "Tang inaaaa burahin niyooooo!!!" ang sigaw nito

"Hindi lahat ay takot sayo! Tandaan mo iyan!" ang sigaw ko sabay hila kay Jay palayo sa kanilang harapan.

Part 3

Katapusan ko na, sigurado iyon..

"Ma, kailangan ba talaga doon ako mag aral sa Empire University? Hindi ba ako pwedeng lumipat sa ibang ordinaryong paaralan? O kaya baka pwedeng huminto nalang ako sa pag aaral tapos sumama nalang ako kay Darrio na mag trabaho doon sa kabilang siyudad?" tanong ko kay mama habang kumakain ng almusal.

"Hala, anak naman bakit ka aalis doon e matalino ka naman? At isa kapag sinabing ikaw ay graduate sa Empire University, hindi mo na kailangang umattend sa mga job interview dahil makita palang nila na ikaw ay graduate doon, lahat sila ay luluhod sayo pati yung mga boss! At isa pa bakit tatalikuran mo yung oportunidad? Alam mo ba na pangarap ng ibang kabataan dito na doon makapasok? Hindi magandang idea ang iniisip mo na sumama kay Darrio para mag trabaho at mag timpla timpla ng kape at alak sa mga bar! Hindi naman kayo mga Aluguryon na nabuhay noong araw, itigil mo iyang iniisip mo Blas! Mag aaral ka at itataguyod ka namin ng papa mo kahit anong mangyari! Laban lang!!" ang wika ni mama.

"Eh kasi mama, baka hindi ako para doon." ang sagot ko.

"Hindi para doon? Meant to be ka doon! Doon ang destiny mo! Dati si Blas ay isang panget at uhuging ugly duckling! Ngunit pasasaan pa at magiging isa ka nang magandang Swan!" ang maingay na sagot nito. "Naisip ko lang na lumalaki kana talaga dahil may sarili ka nang desisyon at hindi mo na kami isinasaalang alang ng papa mo." ang bilang iyak nito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon