THF Part 78

6.4K 498 71
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 2, 2020

Part 78

"Mag kikita ulit tayo diba? Blas." ang naka ngiting wika ni Bam bago ito sumakay sa bus.

"Oo naman. Hindi naman ganoon kalayo diba?"

"18hrs na byahe, hindi naman ganoon kalayo. Nakakahilo lang mag paikot ikot sa matatarik na bangin sakay ng bus. Next time hihiramin ko naman yung helicopter ng kaibigan ni papa para makarating ako dito ng mas maaga. Bitin ang dalawang araw na bakasyon." ang wika niya.

"Mag iingat ka Bam. Mag aral kang mabuti at tuparin mo ang mga pangarap mo. Halos isa't kalahating taon nalang diba? Makakatapos rin tayo." ang naka ngiti kong sagot.

Yumakap sa akin si Bam at agad itong sumakay sa bus. Dalawang araw lang ang itinagal niya rito. Kailangan niya bumalik agad sa siyudad para ayusin ang kanyang pag transfer sa ibang paaralan na mas mura at mas malayo sa F4. Ako naman nangako na mag kikita kaming muli, masaya ako na makasama ang isang tunay na kaibigang katulad niya.

Kumaway ako habang naka ukit ang matamis na ngiti sa akin labi habang paalis ang bus na kanyang sinasakyan. Siya naman ay naka silip sa bintana at masayang nag papaalam.

Katulad ng lagaslas ng tubig sa batis, patuloy pa rin ang aking buhay. Mabilis lang naman lumipas ang mga araw, paulit ulit lang ito hanggang hindi ko namamalayan na dumaan nanaman ang tag ulan at papasok nanaman ang tag init, isang walang katapusang sikulasyon ng buhay. Parang nag lalakad ka lang sa isang malaking bilog na paikot ikot hanggang makasanayan mo na lamang ito.

Bago matapos ang ikalawang semester ay nag take ako ng final examination. Katulad ng dati ay mataas pa rin ang resulta nito kaya't patuloy ang aking scholarship. Batid kong makakatagpos ako ng libre at walang binabayaran sa campus. Ngayon ko palang nararamdaman na ngumiti sa akin ang kapalaran, sa kabilang hirap na dinanas ko noon sa siyudad, heto pa rin ako nakatayo at patuloy na lalakbay sa kahabaan ng buhay.

Sa pag bubukas naman ng summer ay muli akong umuwi sa mansion ni Donya Briguela para doon ay mag trabaho. Pag dating ko palang sa tarangkahan ay nakita ko na agad ang mga royal guard na naka tayo at hinihintay ang pag babalik ng donya mula sa bansang kanyang pinag mulan. Para bang may grand assembly sa bakuran, may banner pa at watawat bilang pag salubong dito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon