THF Part 25

8.5K 530 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 13, 2020

"Double Knock Out!!" ang sigaw ni Gavin sabay kolekta sa mga natalong pusta.

Nangisay si Evan at Lippi sa sahig..

Tumayo ako at humarap kay Yuji. Itinuro ko siya at nag wika. "Yuji! Ikaw ang isusunod ko!! Tayong dalawa naman ngayon ang mag tuos!" ang malakas kong sigaw dahilan para mapatingin ang lahat.

Part 25

"Tumba sina Lippi at Evan sa double team fight! At ang nanalo ay sina Blas at Bam! Pero hindi pa tapos ang mga laban mga kaibigan dahil ngayon hinahamon ng ating depending champion na si Blas Herera ang leader ng F4 na si Yuji Guarin. Mangyari lamang po mga kaibigan ibigay niyo na ang inyong mga pusta." ang wika ni Gavin na parang announcer sa isang wrestling show.

"Kay Blas kami! Kayang kaya ni Blas itumba si Yuji!" ang wika ng mga kalalakihan sa likuran.

"Kay papa Yuji kami! Sige papa Yuji basagin mo ang mukha ng Blas na iyan! Hindi naman siya maganda!" ang wika ng mga beki sa gawing gilid.

Humarap sa akin si Yuji "abat ang lakas ng loob mong hamunin ako." ang wika nito.

"Gusto ko lang ipakita sa kanila na hindi lahat ng estudyante dito ay takot sayo! Ilang buwan na rin tayong mag kaaway! Tapusin na natin ito! Kasi punong puno na ko sayo!" ang sagot ko.

Natawa siya at napailing, may kayabangan pa rin ang dating. "Anong kondisyon mo kapag nanalo ka?!" ang tanong niya.

"Mang hihingi ka ng tawad kay Kiro. At aaminin mo ang pag kakasala mo." ang sagot ko. "Ikaw? Anong kondisyon mo kapag nanalo ka?" tanong ko.

"Mamaya mo malalaman." ang sagot niya. "Lika, sugod na.." ang pang hahamon niya sabay senyas na lumapit ako.

"Mayabang!" ang sagot ko, tiningnan ko ang kamao at inipon ang lakas dito.

"Sige Papa Yuji! Durugin mo iyang si Blas! Yung durog na durog! Kung hindi mo gagawin ay kami ang tatapos sa kanyaaa! G R R R R R!!" ang wika ng isang beki.

"Ano ba, tagal mo namang mag ipon ng enerhiya. Si Son Goku ka ba?! Bagal bagal mo! Ako na susugod!" ang wika niya sabay takbo patungo sa akin.

Huminga ako ng malalim at nag tatakbo ako pasalubong sa kanya. Mistulang suspended animation ang paligid. Ang lahat ay napahinto at tumaas ang tensiyon. "Si Yuji, ang taong kinaiinisan ko! Kailangan ay turuan ko na siya ng leksyon! Babawasan ko na ang sungay at buntot niya!" ang sigaw ko sa aking sarili habang tumatakbo patungo sa kanya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon