THF Part 94

6.8K 537 49
                                    

Cover by: Bryan Cordova

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: Bryan Cordova

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 6, 2020

"Kinabahan ako sa iyo. Akala ko ay raratratin mo sila agad sa unang gabi. Mabuti naman at nakuha mo pang mag timpi sa kabila ng mga narinig mo." wika ni Mr. Jeron.

"Iyon rin ang akala ko, natakot ako para kay Hunter pero nagawa pa rin niyang mag control ng kanyang sarili." sagot ni Miss Justine

"Hindi, pinigil ko ang aking sarili na gumawa ng kahit ano ngayong gabi. Gusto ko lang ipaalam na dumating na ang kanilang pinaka malaking bangungot. Unti unti ko silang pahihirapan hanggang sa bumagsak sila at sumadsad sa lupa na walang wala." ang sagot ko sabay pahid sa aking mata na may bakas ng luha.

Part 94

Katulad ng set up, alas 10 ng umaga noong mag tungo ako sa unang gusali na binili ng Armada mula sa mga Guarin. Sa bungad palang ay sinundo na ako ng mga guard at dito ay nakita ko si Yuji Guarin na naka abang sa akin kasama ang F4, ngunit wala ang kanyang ama dito marahil ay shock pa rin ito hanggang ngayon dahil matapos ang kaganapan kagabi? Tiyak na hindi ko na sila papatahimikin pa..

Pumalibot ang mga bantay ko sa paligid ng sasakyan at dito ay bumaba ako kasama si Mr. Jeron. Bago bumaba sa sasakyan ay huminga ako ng malalim at ngumiti. "Good morning Mr. Guarin." ang bati ko noong makababa. Luminga linga ako at kunwari ay hinanap ko si Gido Guarin. "Oh, nasaan ang iyong ama?"

"Masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya naka punta." ang sagot ni Yuji.

"Ganon ba, sayang naman. Gusto ko pa naman ipaalam sa kanya na nabayaran ko na ang pinaka malaking kakautang Durria sa isang malaking korporasyon sa US. Hindi ka ba aware na ang pamilya napangasawa mo ay baon sa utang?" ang tanong ko habang natatawa.

Maya maya lumapit sa akin ang mga kasamahan niya sa F4. Kinamayan ako nina Erjun at Gavin. "Alam mo para akong nanaginip kagabi. Kamukhang kamukha mo talaga si Blas. Matangkad ka lang at mas pormal kumilos." ang wika ni Gavin.

Lumapit naman sa akin si Iverson. "Kailan tayo mag dadate ulit? Alam mo lagi kitang kinukwento dito sa mga kaibigan ko." ang wika nito.

"Pwede naman tayo mag dinner ulit kapag may time." ang naka ngiti kong sagot at inayos ko pa ang kanyang kohelyo na lukot. "Wow, alam mo napipikon na talaga ako dyan sa mga body guard. Simula noong mag kilala tayo sa Japan ay parang ayaw na nila sa akin." pag mamaktol nito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon