THF Part 73

5.8K 446 68
                                    

Cover by Prince Elle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Prince Elle

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 1, 2020

Part 73

Araw ng Martes, matapos ang klase ay pinatawag ako nina Doc Dean sa accounting office. Hindi ko alam kung bakit, ewan ko ba mukhang na trauma na ako kapag pinapatawag ng biglaan sa mga ganitong pag kakataon. "Good after po sir." ang bati ko noong makapasok sa loob.

"Good afternoon, gusto mo ng miryenda?" tanong niya.

"Hindi na po." sagot ko at noong mapatingin ako sa gawing gilid ay nakita ko ang celebrity na si Miss Justine, ang tinulungan ko noong isang araw. "Good afternoon po Miss Justine, kamusta na ang pakiramdam niyo?" tanong ko.

"Magandang hapon rin, okay na ako. Thank you sa ginawa mong pag save sa life ko. Buti nalang at alerto ka." ang naka ngiting wika nito.

"I told you, hindi lang gwapo at matalino si Blas, knight in shining armor rin iyan. Anyway naayos ko na ang records mo Mr. Herera, approve na ang creditation ng mga subjects mo sa dati mong school. Buti nalang at kinuha mo ang transcript of records mo, naka tipid ka ng 1 year. So meaning, 3 years ka nalang mag aaral tapos ay mga eend pa ang school year na ito edi bale 2 years nalang ang bubunuin mo. Mabilis lang iyon, tingnan mo nga halos mag oone year na buhat noong mag transfer ka dito and everything is smooth diba?" naka ngiting wika ni sir Gilbert.

"Salamat po sir, masaya po ako at hindi nasaya ang mga subjects ko sa pinang galingan kong campus."

"So malapit na ang summer? Gusto mo bang mag karoon ng extra income Blas?" tanong ni Miss Justine.

"Naku, hindi kailangan ni Blas mag work sa summer dahil 100% ang scholarship niya, may allowance pa." ang hirit ni Doc.

"Kahit na, kung ayaw mong mag modelo hmmm, pwede kita irefer doon sa kaibigan ko na nangangailangan health care. Mainam na yung mayroon kang ipon para mabili mo ang mga gusto mo. At isa pa ay para mapractice mo na rin ang field mo." wika ni Miss Justine.

"Pero hindi naman po ako magaling sa ganoon, hindi pa ako nakaka graduate."

"Thats ok. Walang problema iyon. After mong iligtas ang life ko? May duda pa ba ako sa kakayahan mo? Malusog ang matandang iyon, nag iisa lang siya sa bahay at mabisyo kasi kaya kailangan ko ng someone na titingin sa kanya. Good friend niya ako kaya tiyak kapag nirecommend kita ay tatanggapin ka niya."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon