THF Part 46

9.2K 528 78
                                    

Sai Wunna Aung as Yuji Guarin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sai Wunna Aung as Yuji Guarin

*********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 24, 2020

Part 46

Nagising ako sa malakas na hilik ni Yuji habang naka dapa ito at tulog na tulog pa. Alas 10 na pala ng umaga, tiyak na pumasok na si Papa sa trabaho at si mama naman ay kasama ng kanyang mga pinsan sa probinsya. Walang pag kain sa kusina kaya wala rin akong choice kundi mag luto. Hindi na rin ako nakapasok sa shop dahil alas 5 na kami halos nakatulog ni Yuji.

Nag luto ako ng fried rice, omelete, hotdog, daing na pusit at tinapa. Simple agahan at malayong malayo sa almusal doon sa mansion nila Yuji na parang palaging may okasyon.

Maya maya ay lumabas si Yuji sa aming silid. "Good morning." ang bati ko habang nag luluto.

Umamoy amoy siya na parang di nagustuhan ang amoy ng daing. Pero di niya ito pinansin. Gusot ang kanyang buhok. Magulo ang sandong suot at nakatirik ang matigas na ari sa loob ng boxer. Pumasok ito sa banyo, hindi nag sara ng pinto at saka umihi. Rinig na rinig ko ang mala gripong pag ihi niya sa bowl. Pag katapos noon ay nag hilamos siya at nag mumog ng mouth wash.

"Good morning." ang bati niya sabay yakap sa akin mula sa likuran. Nag lambing ito at hinalik halikan aking tainga. "Gutom ka na ba?" tanong ko.

Ngumiti siya "medyo, pero parang hindi ako nakakaramdam ng gutom. Wala kang idea kung gaano ako kasaya na kasama kita ngayon."

Humarap ako sa kanya. "Relax ka lang dito." ang wika ko at pinaupo ko siya sa bangkuan sa harap ng lamesa. Isa isa kong inihain ang simpleng almusal na aking niluto.

Sabay kaming kumain..

Naka ngiti siya habang ngumunguya, ako naman ay nag salin ng tubig sa kanyang baso. "Bakit hindi ka tumuloy sa Barcelona? Hindi ba't iyon ang plano mo?" tanong ko.

"Mag isa lang ako doon. Naiikot ko ang magagandang lugar sa mundo ng mag isa. Pero, hindi rin masaya. Iba pa rin ang kasama mo ang taong nag papasaya sa iyo. Kahit simpleng agahan lang na katulad nito ay maligaya na ako." ang sagot niya habang naka ngiti.

Hinipo ko siya sa noo. "Ayos ka lang ba talaga? Nasaan na yung Yuji na mayabang? Yung maangas at parang buhawi kung humirit? Yung gago at matigas ang ulo?" tanong ko.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon