THF Part 29

8.8K 550 54
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 16, 2020

Part 29

"Ilang beses ka nang hinahalikan ni Yuji, may nangyari na ba sa inyo? Ano malaki ba?" pilyong tanong ni Darrio habang nakatayo kami sa counter.

"Ano bang sinasabi mo? Walang ganon kaganapan sa buhay ko at hindi ko iyon hahayaang mangyari. Ewan ko ba kung bakit asar na asar ako kay Yuji, napaka yabang kasi niya at walang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko sa campus. Siya ang may kasalanan kung bakit hindi matahimik ang pag katao ko doon." ang sagot ko na hindi maitago ang pag kainis kapag naalala ko ang kanyang mukha.

"Pero ininvite ka niya sa date diba? Ang ibig sabihin ay gusto ka niya talaga."

"O pwede rin naman na kaya niya ito ginagawa ay may plano siya. May napanood akong ganyan sa TV e, papaibigin niya yung isang tao, lahat ng magagandang bagay ay ginagawa niya dito hanggang sa dumating sa puntong hulog na hulog na ito sa kanya saka niya iniwan at inaming pinag pustahan lang siya. Syempre ay masakit iyon. Para siyang nag pakamatay sa building at pag tama niya sa sahig ay buhay pa rin siya." ang sagot ko.

"Palagay mo ay may kakayahang gawin ni Yuji ang ganoong kasamang bagay?" tanong niya.

"Nagagawa niya alisan ng trabaho yung mga teacher doon sa EU, nagagawa rin niyang gawing miserable ang buhay ng mga mag aaral na napapag tripan niya hanggang sa sumuko ang mga ito at umalis nalang sa paaralan. Kung nagagawa niya ang malalang bagay na iyon sa iba ay may posibilidad rin na iyon ang gawin niya sa akin. Saka tingnan mo naman ang mukha niya, nakakalokong pag masdan, parang walang gagawing matino sa buhay." ang wika ko habang nakatingin sa papasok na lalaking sa shop.

"Pero alam mo, nung nakita ko siya sa mall dati, siya ang pinaka gwapo at pinaka astig sa kanilang apat." ang wika niya habang pinag mamasdan rin ang lalaking lumalakad patungo sa amin.

"Huwag mo nga siyang purihin dahil baka bumula ang bibig mo. Tingnan mo nga, kahawig niya itong lalaking customer na parating." ang sagot ko.

"Ano bang pinag bubulungan niyo diyan? Hindi ganyan ang tamang pag handle at mag welcome sa customer." ang bungad niya.

Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Yuji Guarin na bigla nalang pumasok sa eksena noong mga oras na pinag uusapan namin siya. Perpektong kahulugan ng salitang "speaking of the devil."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon