THF Part 92

6.9K 594 120
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

Isang linggo ang nakalipas dumating ang gabi ng kaarawan ni Yuji Guarin. Ito ang gabi na aking pinaka hihintay. May dala akong 50 body guard na naka bantay sa akin sa paligid ng gusali. Kasama ko rin si Miss Justine at si Mr. Jeron na siyang naka front habang hindi pa ako lumalabas..

Katulad ng sinabi ko ay ireregalo ko kay Yuji ang aking sarili kaya naman nag pagawa ako ng isang malaking pyramid na gawa sa ginto at dito ako pumasok sa loob. Tiyak na magiging isang magandang palabas ito ngayong gabi.

Part 92

Ang pag papahirap sa akin ng mga Guarin ay bumabalik sa aking isipan na parang kahapon lang naganap ang lahat. Mula sa unang araw na nakatanggap kami ng blue card at pinahirapan ng husto..

Ang lahat ay parang pelikulang bumabalik sa aking isipan..

Inalis nila sa trabaho si papa, sinunog nila ang cake shop at dinamay ang lahat ng taong nag tatrabaho dito kasama na si Darrio. Winasak nila ang aming tahanan at binasa kami ng sasakyan ng bombero hanggang sa mag pagulong gulong kami sa kalsada, malunod at pag tawanan ng lahat. Wala rin kaming nahanap na trabaho dahil naka ban kami sa buong siyudad hanggang sa lugar na abot ang kapangyarihan ng mga Guarin. Kinupkop kami ni Bam, ngunit pati ang negosyo nila ay sinunog rin ni Guarin.

At ang pinaka huli ay winasak niya ang pangarap ko..

FLASH BACK

"Blas, diba sabi ko naman sa iyo na layuan mo ang aking anak. Nakita mo na ang kabayaran sa pagiging matigas mo? Ngayon ay inaalis na kita dito sa paaralang ito. Expelled kana at maaari kanang umalis ngayon." ang wika ni Mr. Guarin.

"Pero sir, wag naman po ang pag aaral ko. Iniwan na ako ni Yuji, si Vann ang pinili niya kaya wala na kayong problema. Paki usap, huwag naman po ito." ang pag susumamo ko.

"Oo nga, masaya ako na naging mag kasundo na sina Vann at Yuji. Pero gayon pa man ito ay ang kaparausahan mo sa ginawa mong pang gagamit sa katawan ng anak ko! Blas lumayas kana sa paaralang ito bago pa kita ipakulong sa pang hahalay sa aking nag iisang anak, at sa paninira mo ng relasyon ng dalawang taong ikakasal na. Bibilang ako ng dalawampu dapat ay nakalabas kana gate ng paaralang ito." ang wika nito at inutusan na ang tauhan niya na sumunod sa akin at mag bilang..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon