THF Part 71

6.5K 504 47
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 1, 2020

Ang isa sa pinaka madilim na yugto ng aking buhay nag tapos na. Kasabay ng pag tatapos ng tag araw ay hinugasan ng unang pag bagsak ng ulan ang lahat ng sakit sa aking dibdib. Ang lahat bakas nito ay inagos patungo kung saan, bagamat hindi talaga nakakalimot ang puso. Maaaring makalimutan ng isang tao ang masasakit na salita ngunit hindi niya malilimutan kung ano ang pinaramdam noong bitiwan mo ito. Sa huli, ang tanging maiiwan lang ay ang aral, para hindi kana mag kamali pa.

Naalala ko pa rin ang araw na naging blangko ang aking sarili habang nakatingin kay Yuji, iyon ang mga sandaling walang ibang tumatakbo sa aking utak kundi ang lumayo at iwan ang lahat..

Tahimik..

Patuloy ang pag lagaslas ang tubig sa aking katawan habang nakatingala sa kalangitan. Dinadama ko ang banayad na pag bagsak ng ulan sa aking mukha habang naka tingala..

Maya maya ay dumilat ako at kasabay nito ang patak ng luha sa aking mata bagamat hindi ito makikita. Umiiyak ako hindi dahil sa lungkot o sa sakit..

Kundi dahil alam kong may bagong simula na nag hihintay para sa sakin..

Part 71

Tahimik ang aming naging buhay dito sa probinsya. Malayo na ito at imposibleng guluhin pa kami ng mga Guarin.

Ang mga natirang pera sa pag bebenta ko ng parte ng aking katawan ay itinulong ko kay papa sa pag bili ng binhi, pataba at sa pag papa ayos sa bukid para pwede na itong taniman. Hindi na rin naging problema sa amin ang bahay dahil ang naiwan ng mga magulang ni Papa ay ang aming tinirhan. Halos 5 taon na pala itong abandunado dahil ang kanyang bunsong kapatid ay tumira na rin sa ibang bansa at siya naiwan. Maayos naman ang bahay, up and down ito. Ang unang palapag ay pulido at maayos, kulay asul na kupas ang pintura ng dingding. Ang gawing itaas naman ay gawa naman sa matitibay na muwebles, ito ang pinaka preskong parte ng bahay. Kung tutuusin ay mas malaki ito kaysa sa bahay namin sa siyudad. Hindi na rin namin kailangan mag pundar ng kagamitan dahil ibinigay nalang kay papa ang mga gamit dito katulad ng lumang tv, radyo, lumang refrigerator, gas stove at mga kasangkapan sa kusina. Ang lahat ay madumi pero gumagana naman kaya kaunting linis lang ang kailangan. Noong dumating kami dito ay halos isang linggo kaming nag lalaba, nag lalampaso, nag aalis ng sapot ng gagamba at alikabok. Hindi rin ako masyadong nakaka galaw dahil sa aking kalagayan.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon