THF Part 114 (END)

13.5K 739 281
                                    

Cover by Junoel LyCaster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Junoel LyCaster

*******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 12, 2020

Author's Note:

Una sa lahat, maraming salamat sa mga suporta kay Blas at Yuji. Lahat tayo ay naattached ng husto sa kanilang dalawa. Pero kahit nag tapos na ang kwento nila, tiyak kong lahat ng aral at inspirasyon sa kwento nilang dalawa maiiwan sa mga puso natin.

Ang totoo noon, may nakapag sabi sa akin na huwag na daw gumawa ng BXB ng Meteor Garden dahil marami nang gumawa nito at baka hindi mapansin itong gawa ko. Mabuti nalang dahil nag tiwala ako sa kakayahan ko kaya natapos ko ito ng maayos. Hindi ko hinihiling na sana ito ang pinaka "the best" na meteor garden BXB na nabasa mo, pero sana ay marealize mo na "the best" naman ito sa aral at inspirasyon maiiwan kapag nabasa mo yung huling pahina ng libro.

Huwag kayo mag aalala dahil kung deserving si Blas at Yuji ay babalik sila sa mga bagong kabanata ng buhay nila. Sa ngayon walang katapusang pasasalamat ang aking ibinibigay sa inyong pag mamahal.

Thank You AiTenshi for sharing your stories!

*****

Part 114

"Bakit ganyan ang mukha mo? Ikinakasal na tayo, mamaya lang asawa mo na ko at opisyal na akong sa iyo." ang wika ni Yuji habang naka ngiti

"Alam mo pwede mo naman akong ayain ng matino, hindi mo na ako kailangan takutin. Natrauma ko sa ginawa mo Yuji, alam mo ba na gusto kita itumba ngayon dito mismo sa altar, sa harap ng nanay mo at ng mga kaibigan mo." ang wika ko.

"Ano ka ba, kung aayain kita ng kasal sa simpleng paraan ay tiyak na hindi ka papayag dahil mayabang ka, malaki ang bilib sa sarili at bitter ka. Kaya naisip namin ni Donya Briguela na gawin ito sa isang sorpresa at exciting na pamamaraan. Hindi mo ako masisisi, hindi na ako makatiis na hindi ka maging akin. Gusto ko asawa na kita at ako ang kakayod para sa ating dalawa." ang sagot ni Yuji.

"Abnormal ka at malaki ang sira mo sa ulo. Ang lahat ng bagay ay ginagawang mong katatawanan. Wala kang ideya kung gaano mo ako tinakot doon. Takot na takot ako.." ang wika ko sabay yakap sa kanya na parang nahimasmasan. Ngayon palang halos nag sink in sa akin na hindi totoo ang lahat.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon