THF Part 13

9.4K 558 42
                                    

Biew Yamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biew Yamin

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 5, 2020

Part 13

"Ikaw si Ginoong Blas tama ba?" tanong ng isang pamilyar na lalaki na humarang saan habang papasok ako sa gate ng campus. "Ako nga po." ang tugon ko.

"Ako ito, ang katiwala ng Guarin family, si Gilbis." ang pag papakilala niya.

"Kaya po pala pamilyar ang mukha ninyo." tugon ko.

"Naparito para ibigay sa iyo ang mga naiwan mong gamit doon sa bahay, yung mga damit mo at yung mga sira mong sapatos, libro at p.e uniform ay inayos ko na rin." ang wika niya sabay abot sa akin ng paper bag.

"Salamat po. Gusto niyo po ba kumain?" tanong ko.

"Hindi na hijo, patungo ako sa gusali ng F4, sabay na lamang tayong mag lakad" sagot niya.

At iyon ang set up, nag kwentuhan kami ni Mr. Gilbis habang nag lalakad. "Si Yuji ang may gawa ng lahat ng ito. Sinira niya ang mga gamit ko." ang wika ko.

Natawa ang matanda. "Si Master Yuji ay talagang spoiled at nakukuha ang lahat ng kanyang nais. Aware ako sa mga ginagawa ng F4 dahil alaga ko si Yuji simula noong siya ay bata pa lamang. Bilang isang taga pag mana ng mga Guarin ay lumaki siya na iginagalang ng husto ng mga tao sa kanyang paligid. Halos lahat ay takot sa kanya at itinuturing siya mahalaga na parang isang alahas na mamahalin ang value. Kahit ngayong nag binata na si Master ay ganoon pa rin ang turing sa kanya ng mga tao at wala ni isang tao ang lumaban o tumingin sa kanya ng tuwid maliban sa mga F4.

Isang araw ay umuwi siya na masayang masaya dahil may nanuntok daw sa kanya, may nanampal at may lumaban na estudyante. Tuwang tuwa dahil pakiramdam niya ay naging normal na tao siya at sa unang pag kakataon sa kanyang buhay ay may isang taong tumayo at lumaban sa kanya. At batid kong ikaw iyon, ang lalaking tumagal ng isang buwan sa sumpa ng F4 card. Marahil iyon ang dahilan kaya't natutuwa sa iyo si Master Yuji." ang wika ng matanda.

"Natutuwa sa akin at gusto niya akong gawing alaga na parang isang pusa na itatali niya sa kanyang kamay. Pasensiya na po pero nakaka irita kasi talaga ang kayabangan niya." ang sagot ko dahilan para matawa ang matanda. "Iyang tapang mo ang gustong gusto niya. Mag iingat ka hijo at maraming salamat sa pag papasaya mo kay Master Yuji." ang tugon niya bago pumasok sa gusali kung saan tumatambay ang F4.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon