THF Part 47

8K 482 28
                                    

Cover by Jack Matthew

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Jack Matthew

**********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 24, 2020

Part 47

"Arwwwkk!!" ang pag suka ko habang naka labas ang ulo sa bintana ng sasakyan ni Yuji. Itinabi niya ito sa gilid at hinimas himas ang aking likuran. "Ano? Buntis kana ba? Kumapit na ba yung tamod ko sa bahay bata mo?" tanong nito habang naka ngisi.

"Nahihilo ako sa puyat, masakit ang ulo ko." ang wika ko sabay suka ulit. "Yan.. ngayon ka sinisingil ng pagiging workaholic mo. Yan ang epekto ng tatrabaho mo ng 18 hrs kada araw. Ngayon ka palang sinisingil. Kung hindi kita pinatigil malamang ospital pa ang bagsak mo. Baka naman sinisikmura ka? Sabi ko naman kasi sa iyo na huwag mo ko chuchupain sa umaga pero ang tigas ng ulo mo." pang aasar pa nito.

"Puro ka kalokohan diyan e. Malayo pa ba tayo?" tanong ko.

"Mga 3 hours pa. Private resort iyon ng mga Guarin na exclusive lang sa mga upper upper class. Bago ka pumasok at mag check in doon ay ibaback ground check ka muna kung ang iyong kabuhayan ay sapat para maexperience mo ang magandang amneties sa loob. Titingnan ang uri ng life style mo kung deserving ka ba at kung may pang bayad ka." ang sagot nito.

"Ganon ka higpit? Wala akong pambayad, wala rin akong magandang life style. Anong isasagot ko doon?"

"Slow ka talaga, syempre kasama mo ako kaya walang mag tatanong sa iyo doon. Nagugutom ka ba? Gusto mo nito?" ang tanong niya sabay tingin sa kanyang ari.

"Gago! Puro ka kalokohan."

"Ang sabi ko, gusto mo nito?" tumingin siya sa kanyang ari tapos ay lumiko ang kanyang tingin sa gilid kung saan naroon ang ginawa namin sandwich. "Napaka libog mo naman kasi, ginagamit mo lang yata yung katawan ko." ang hirit nito habang inaalis ang tinapay sa plastic.

"Sino ba sa atin ang nangangalabit gabi gabi? Diba ikaw? Alas 4 na ng umaga papatong ka pa at hahalikan ako hanggang sa magisinga ko. Minsan ala 2, minsan alas 5. Ikaw yung malibog e."

"Wala akong alam sa sinasabi mo Blas." ang pag tanggi nito sabay pito na kunwari ay inosente sya.

Tuloy tuloy pa rin ang summer vacation. Kada bukas ng social media ay makikita mo ang mga students ng Empire University na nag papasiklaban sa kanilang mga post. Nangunguna na rito sina Lippi at Evan na humahakot ng likes sa kanilang mga pasiklaban na larawan. Kahapon ay nag post si Evan na naka swimwear sa harap ng mount everest. Model na model ang dating nito ay talaga pinag handaan ang outfit. Maya maya ay nag post naman si Lippi nang kanyang sagot sa larawan ni Evan, nag post siya ng picture niya na naka swimwear at nakahiga sa disyerto katabi ang pyramid ng Egypt. Ang mga post rin nila Gavin at Erjun sa kanilang mga story humakot ng libong reactions. At ang pinaka nag trend ay ang simpleng larawan ni Kiro na naka ngiti at umiinom ng tsaa. Na mayroong kulang 800k likes and reactions.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon