Chapter 10

6.3K 355 33
                                    

#CHAPTER10

Seryoso akong nakatingala kina Vencel, Raegan, Eomund at Cederic. Nagtagisan kami ng tingin sa isa't isa. Humigpit ang paghawak ko sa aking palda. Kahit sa totoo lang ay naninindig ang balahibo ko. Ganito pala ang feeling kapag kaharap mo sila sa ganitong sitwasyon. Mabuti nalang ay myembro ako ng Imperial Family. Ano pa kaya kung hindi, diba? Mas nakakaloka na makaharap mo ang presensya ng mga Eryndor! Ganito pala ang feeling kapag nagrequest for audience ka!

"Anong ibig sabihin nito, Prinsesa Styriniana?" seryoso at matigas na tanong ni Vencel sa akin.

Marahan akong pumikit saka bumuga ng malalim na buntong-hininga. Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang makita ko sila sa lagay ngayon. Si Vencel ay parang nanginginig na, pinipigilan niyang matawa. Si Raegan ay yumuko pero nanginginig din, halatang pinipigilan din na matawa. Habang ang dalawa ko pang kapatid ay tinatakpan ang kanilang mukha at bibig. Iniiwasan nilang maoffend ako. Err...

"Nais kong imungkahi na mananatili sa poder ng Cyan ang prinsipe ng Severassi." malakas kong sambit. "Papa! Mga kuya! Huwag po kayong tumawa! Seryoso po ako!"

"Ipagpaumanhin mo, Prinsesa Rini. Hindi namin mapigilan ang aming mga sarili na matawa." wika ni Raegan, pinunusan ang mga kumawalang luha. Kakatigil niya 'yan sa pagtawa!

Pinalobo ko ang aking magkabilang pisngi na kunot ang noo. Hindi ko mapigilang mapikon kaya ganito nalang ang ginagawa ko. Pero sa halip na maging seryoso pa lalo sila ay mas lalo pa sila natutuwa. Hindi ko malaman kung nanadya ba sila o nang-aasar.

"Oh siya, ipagpatuloy natin ang usapin na ito." wika ni Vencel na pinunasan na din niya ang kaniyang mga mata. "Nasabi mo nga sa amin na nais mong manatili ang prinsipe sa poder natin. Ngunit sa anong dahilan, Prinsesa Styriniana?"

Umuusok na ang ilong ko dahil sa kaseryosohan. "Sa tingin ko ay magiging ligtas siya dito. Dahil may mga taong nagtatangka sa kaniyang buhay."

Doon ay natigilan sila. Naging seryoso na ang kanilang mukha. Basta buhay na ang usapin ay nagiging seryoso na sila. So, this is the right key! "May nagtatangka sa kaniyang buhay? Papaano mo nalaman ang bagay na 'yon?" si Raegan naman ang nagtanong.

Kinagat ko ang aking labi. "Dahil... Nakita ko po ang kaniyang nakaraan..."

Pareho silang natigilan ulit sa aking ibinunyag. "I-ibig sabihin..."

"Nagkakatotoo na ang pangitain para sa Prinsesa?" hindi makapaniwalang bulalas ni Raegan. "Tulad ng sinasabi sa propesiya?"

"Pero, iyong kamahalan, unang prinsipe... Ang sabi sa propesiya, kapag tumuntong ang prinsesa sa ikalabing-pito niyang kaarawan, doon na lalabas ang kaniyang kapangyarihan." sunod na nagsalita ay si Eomund.

Ako naman ang nagulat sa naging pahayag ng pangalawang prinsipe. Wait, ibig sabihin... Kapag seventeen years old na ako, doon ko na magagamit ang kapangyarihan na meron ako? Kaya ba kahit anong gawin ko para makita ko ang mga dapat kong makita ay ayaw gumana? Dahil pala doon? Pero pangalawang beses na akong may nakita. Isa mula sa hinaharap at ang isa naman ay mula sa nakaraan. Kinuyom ko ang aking kamao. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga natuklasan at napagtanto ko. Ibig sabihin, masyado pa pala maaga para sanayin ko ang sarili ko para lumabas ang buong potensyal ng skills na meron ako.

"Iyan ang sabi." rinig kong tugon ni Raegan. "Ngunit, mas maaga ay mas maganda. Tiyak na mapaghandaan natin nang husto kung anuman ang mga masasamang pangitain na makikita ni Prinsesa Rini."

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Vencel. "May punto si Raegan pero mas maigi na huwag pwersahin ni Rini ang kaniyang sarili." malumanay niyang saad.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon