Chapter 159

801 44 0
                                    


Dis oras nang gabi ay umalingawngaw ang yabag ng mga paa sa isang madilim at nakakatakot na silid sa pinakaibabang bahagi ng Palasyo. Tanging nagsisilbibg liwanag ay ang dalawang sulo ng apoy na hawak ng dalawang kawal ng Thilawiel. Nakasunod sa mga ito ang limang tao na suot ang seryoso at nagngingitngit na ang mga mukha. Hangga't maaari ay pinipigilan nila ang kanilang sarili na magbitaw ng hindi kinakailangan na kilos sa gayon ay maging maayos ang pagkukwesyon nila sa oras na makaharap nila ang mga hawak nilang bitag.

Tumigil ang kanilang mga paa sa harap ng isang makapal na yari sa bakal ang pinto ng selda. Itinapat ng mga kawal ang sulo sa tapat nito upang masilayan nila ang isa sa mga bilanggo na kanilang hawak. Dahil d'yan ay tila na natunugan sila nito. Nakaluhod ito sa harap nila, nakaangat ang mga kamay mula sa pagkatali ng mahiwagang kadena upang hindi nito magawang makatakas. Kita na naliligo na ito sa sarili nitong pawis at dugo---mukhang kakatapos lang sa pagpapahirap upang makakuha ng kailangan na impormasyon. Kahit na bakas dito ang pagod ay ginamit ang natitira nitong lakas upang tingnan sila ng diretso sa kanilang direksyon. Hindi lang 'yon, nagawa pang ngumisi na animo'y hinahamon pa sila sa mga oras na ito.

"Buksan ang selda." mahina man, ngunit seryosong utos ng isa.

Hindi nagdalawang-isip na sumunod ang dalawang kawal. Umalingawngaw ang lakas ng pagbukas ng naturang selda hanggang sa tagumpay na nakapasok ang limang pares ng mga paa sa loob. Tinapunan nila ng matatalim na tingin ang bihag, samantalang nakatingala ito sa kanila.

"Akalain mo nga naman, talagang... Sinadya akong bisitahin ng mga emperador..." hindi mawala ang ngisi sa mga labi nito.

"Alam mo naman siguro kung ano ang sadya namin upang kami'y maparito." si Emperador Hadden na pilit maging kalmado. "Bukod sa mabubuhay ang pinuno ng mga demonyo, ayon sa propesiya... Ano pa ang mga dahilan ninyo upang sugurin ang Thilawiel?"

Naniningkit ang mga mata ni Fvyagi. "Sadyang walang hanggan ang aking katapatan sa aking Panginoon... Ginagawa lang namin ang kaniyang nanaisin upang maabot niya ang pinakamataas at sasakupin ang buong mundo." tulad nila ay tumalim na din ang tingin nito. "Sapat na siguro sa inyo ang aking kasagutan..."

"Kahit anong gawin mo ay hindi pa rin maalis ang pagiging tuso mo kahit na nasa kamay ka ng mga itinuring ninyong kalaban, Fvyagi." si Emperador Vencel naman ang nagsalita. Nakasandal ito sa pader ng selda at nakahalukipkip. Hindi man ito nakatingin sa kaniya ay bakas pa rin ang talim nitong tingin. "Alam kong hindi lang 'yon ang dahilan upang unahin ninyong lusubin ay ang Thilawiel."

"Hmm... Hm... Hmm..." hindi niya mapigilang matawa. "Tulad ng inaasahan, ang emperador na tulad mo ay hinding hindi mabibilog, Emperador Vencel ng Cyan---"

"Tungkol ito sa Panginoon ng mundong-ilalim, si Binibining Lorah. Siya ang isa sa mga pakay ninyo." dagdag pa ng Emperador ng Cyan.

Kusang tumikom ang bibig ni Fvyagi nang marinig niya sa mismong mga labi ni Vencel ang isa sa mga kasagutan. Maski ang mga emeprador mula sa limang Imperyo ay nawindang din sa sinabi niyang rebelasyon.

"Si... Binibining Lorah...?" hindi makapaniwang saad ni Emperador Hadden. Mabilis niyang sinulyapan ang bihag na nanlalaki ang mga mata. "Matagal nang patay ang Panginoon ng mundong ilalim. Anupa't kailangan ninyo siya sa binabalak ninyong pananakop?!"

Umigting ang panga ni Fvyagi. Hindi siya agad makapagsalita. Kasabay na kinuyom ang mga palad. Babalakin man niyang kumawala sa rehas na pinanggagalingan niya ngayon ay mababalewala lamang dahil sa higpit at maglalabas ito ng malakas na mahika at paniguradong masasaktan lang siya. Kung kaya, mas pipiliin nalang niyang manahimik. Kung tutuusin ay may dahilan nga sila kung bakit nila inunang lusubin ang Thilawiel---iyon ay para makuha nila ang mismong katawan ni Lorah. Dahil alam nila na nasa katawan pa nito ang kapangyarihan na kinakailangan ng kanilang Panginoon sa oras na magising ito.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon