Chapter 20

4.6K 245 19
                                    

# CHAPTER20

Ilang araw pa ang nagdaaan ay tuluyan na kaming nakaalis ng Oloisean. Sa pagkakataon na ito ay hindi namin kasama si Raegan na ngayon ay nauna na siyang bumalik ng Cyan. Hindi na rin namin kasama si Calevi. Nang huling gabi namin sa Oloisean, iyon din ang oras na aalis na siya patungo Ibilania, ang lugar na maraming sikat na Unibersidad daw, si Otis na ang maghahatid sa kaniya papunta doon. Kung saan maeenhance at papalakasin pa niya ang kaniyang mahika, gayundin din ang swordsmasnhip at archery. Good for him, though. Kaya naiplano ko na din kung ano ang mga dapat kong gawin pagkabalik namin ng Cyan.

Tahimik akong anglalakad sa pasilyo. Yakap-yakap ko ang libro. Patungo na ako sa susunod kong klase. Pero tumigil ako nang may pumukaw ng aking pansin, isang bagay na malapit lang sa akin. Nasa harap ko ang Imperial Garden, lalo na ang mesa at mga silya kung saan ko una nakausap si Calevi. Nanumbalik sa aking alaala ang unang pangako na binitawan ko para sa kaniya. Na balang araw ay tutulungan ko siya na mabawi ang kaniyang Kaharian ng Severassi. Iyon din ang isa sa mga motivations ko kaya nag-aaral ako ng husto. I need to work hard. Mukhang hindi lang ako sanay na hindi ko nararamdaman ang presensya niya ngayon. Sa ngayon lang ito siguro.

Binawi ko na ang tingin ko saka ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Muli ako tumigil nang paglalakad nang narating ko na ang silid kung saan naghihintay na ang magiging guro ko. Ang ipinatawag ni Vencel. Binanggit niya sa akin na kumuha siya ng eksperto sa paggamit ng mahika. Umukit ang malapad na ngiti sa aking mukha. Hindi na ako makapaghintay na makilala ito at matuto mula sa kaniya.

Pinihit ko ang pinto saka mabilis ko itinulak ang pinto. Tumapak ako sa loob. Hinahanap ng aking mga mata ang magiging guro ko. Natigilan lang ako nang may nakita akong batang babae na kasing edad ko lang. Siya lang ang nakikita ko sa buong silid na ito, wala nang iba pa. Itinagilid ko ang aking ulo dahil sa pagtataka. Sino ito? Wala akong natatandaan na may ibang bata dito sa Palasyo, maliban lang sa akin o kay Cederic. Nakikita ko siyang nakadungaw sa bintana ng silid na ito.

Nagkibit-balikat ako saka humakbang pa palapit sa kaniya. Ipinatong ko sa mesa ang mga dala kong libro. Pagkatapos ay lumapit pa ako sa kaniya. Kinalabit ko siya. Lumingon siya sa akin. Namumungay ang mga mata niya nang humarap siya sa akin. Hindi siya nagulat. Parang natural lang sa kaniya ang ginawa ko. Pinagmasdan ko siya. Kulay asul ang kaniyang buhok na hanggang bewang ang haba nito, may bangs siya na hanggang kilay ang haba, maputi at makinis ang kaniyang balat, mahaba at makapal ang mga pilik-mata. Skyblue ang mga mata niya na sa kulang ay masisilip ko ang kalangitan sa pamamagitan ng mga mata niya. May nunal din sa bandang baba at gilid sa kaliwang mata. Ngayon ko lang siya nakita. Sino ba ito?

"Uhh... Sino ka?" ako na ang unang nagtanong.

Matamis siyang ngumiti sa akin. Nagbow siya sa harap ko. "Ikinalulugod kong makilala ang nag-iisang prinsesa ng Cyan. Hayaan ninyong ipakilala ang aking sarili. Ako po si Ceola Briouse, ipinatawag po ako galing pang Ibilania ng Mahal na Emperador ng Cyan. Tubong Cyanian po ako. Ako po ang inatasan na upang turuan ang nag-iisang prinsesa."

Natigilan ako. Sinisik-in in ko pa ang sinasabi niya. Ha?! Siya ang magiging teacher ko? Teka, masyado siyang bata para turuan ako! At saka, galing pa pala siya sa Kaharian ng Ibilania kahit na Cyanian siya?!

Tumayo siya nang tuwid saka muling ngumiti sa akin. "Alam kong nabigla po kayo na masyado pa akong bata upang maging guro ninyo. Pero hindi po kayo magsisisi na ituro ko sa inyo kung ano ang mga nalalaman ko pagdating sa mahika kahit na ang espesiyalidad ko ay ang paggawa at mag-imbento ng mga sa gayumang mahika."

Nanlaki ang mga mata ko. "G-g-g-gayuma?!" malakas kong bulalas. "S-seryoso ka?!"

Tumango siya pero hindi nabubura ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Opo, mahal na prinsesa. Sa katunayan po ay isa po ako sa mga nangungunang pantas sa Ibilania." why she still sound humble thought she very proud to herself? Well, mukhang may ibubuga nga siya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon