Chapter 60

2.3K 153 19
                                    


Sa wakas ay araw na ng kasal. Simula sa araw na ito, mapapangasawa ko na si Otis at tatanghalin na akong crown princess ng Thilawiel. Nakakaramdam ako ng pinaghalong pressure at excitment. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko para lang maikalma ko lang ang aking sarili. Pilit kong inaalala ang pinagpraktisan namin ni Otis kahapon sa chapel. Kailangan ay hindi ako pumalya doon lalo na't dadating na ang iba't ibang bisita mula sa mga Kaharian na inimbitahan namin. Dagdag pa parating na din ang pamilya ko na galing pang Cyan kaya kailangan ay hinding hindi ako magkakamali. Ayoko na magdadala ako ng kahihiyan sa mga Eryndor kaya hindi ko dapat sila bigyan ng pagkadismaya.

Nanatili lang ako nakatitig sarili ko sa harap ng salamin. Suot ko na ang wedding dress na ipinagawa ko pati na din ang mga alahas na ipinadala ng mga Eryndor. Nalagyan na din ako ng make up. At ang tanging ginagawa ko lang sa ngayon ay maghihintay ng abiso na maaari na akong lumabas sa silid. Nasa likuran ko naman sina Faila at ang mga maid. Hinihintay ko din ang pagdating ni Nesta. Siguro naman ay nagawa na niya kung ano ang mga ipinagawa ko nang iwan ko na ang Cyan. Marahan akong pumikit saka kumawala na naman ng malalim na buntong-hininga.

Lahat ng nararamdaman ko kanina pa ay nawala 'yon na parang bula nang marinig ko na may kumatok sa pinto ng silid na ito. Agad ko 'yon tiningnan sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin. Ang isa sa mga maid ang lumapit upang buksan 'yon. Nakita ko ang isang babae na nasa pintuan. Kusa ako napangiti nang makilala ko kung sino 'yon. Si Maria! Mukhang alam na alam ni Otis kung sino ang mga dapat imbitahan sa malaki at espesyal na araw na ito. Agad ko siyang nilingon.

Nagbigay-pugay siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mukha. "Binabati ko po ang kamahalan, Prinsesa Styriniana. Hangad ko po ang kaligayahan ninyo ngayong araw ng kasal ninyo." bakas sa boses niya ang kasiglahan.

"Maria!" masayang bulalas ko. Agad ko nilahad ang aking mga kamay na siya naman ang paglapit niya sa akin at inabot ang aking mga palad. "Maraming salamat at nakapunta ka sa araw na ito."

Mas lumawak ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Mas ikinararangal ko po dahil pinadalhan po ako ng tagapagsilbi ni Prinsipe Otis ng liham ng imbitasyon, kamahalan." saglit siya tumigil saka tumitig sa akin. "Napakaganda ninyo, mahal na prinsesa. Hindi na po ako nagtataka kung bakit nagustuhan kayo ng unang prinsipe ng Thilawiel." saka mahina siyang tumawa.

Nagawa ko rin tumawa. "At saan mo naman nakuha ang magbiro ng ganyan, Maria? Iyan ba ang napulot mo habang ika'y nasa Fondondra?"

Agad siyang umiling. Ginapangan siya ng hiya sa hitsura niya ngayon. "Naku, hindi po, kamahalan. Sadyang nagsasabi lang po ako ng totoo." muli siyang nagtigilan. Binigyan niya ako ng isang marahan na ngiti. "Kahit ganoon ay masaya po ako para sa inyo. Napakabilis ng panahon, parang kailan lang nang makilala ko po kayo ng araw na 'yon..."

Ganoon din ang ginawa ko. "Kung hindi mo rin ako ipinaglaban noon, hindi kita makilala, Maria."

Kita ko na nangingislap ang kaniyang mga mata. 'Yon pala ay may namumuno na palang mga luha sa kaniyang mga mata. Agad siya kumurap ng ilang beses saka kumawala ng malalim na buntong-hininga sa harap ko. Mahina ulit akong tumawa. Ganoon din siya. Naputol lamang 'yon na muling may kumatok sa pinto. Pinuntahan ulit ng isang maid 'yon saka binuksan. Natigilan kami nang tumambad sa amin si Calevi, kasama niya si Dilston!

Napatayo ako mula sa aking kinauupuan dahil na rin sa kagalakan na makita ko ulit sila. Hindi ko kasi sila masyado nakausap noong kasal nina Cederic at Ceola. "Calevi! Dilston!" masigla kong bulalas sa kanilang mga pangalan.

Pareho silang humakbang palapit sa akin. Hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi pero ipinagtataka ko lang kung bakit nakatulala ang dalawang ito sa akin? May mali ba sa suot ko? May dumi ba ako sa mukha? Ano?

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon