Chapter 53

2.2K 163 25
                                    

# CHAPTER53

Hindi ko na hawak ngayon si Ceca. Ipinasa ko na siya kay Egos na kasama din nina Emperador Audrick at Otis nang narating na namin ang bulwagan kung saan gaganapin ang seremonyas ng kasal. Agad ko hinahanap sina Calevi at Dilston pagtuntong namin dito. Nahagip ng aking paningin si Calevi na ngayon ay masayang nakikipag-usapan kay Eomund, si Dilston ay tahimik lang sa isang tabi habang dinadaldal siya ng babaeng kausap niya kanina, si Prinsesa Charrise. Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi niya sa kahabag-habang na dalaga. Pero naisip ko din na wala ako sa lugar upang makialam.

Bigla may nagsalita. Sinasabi niya na mag-uumpisa na daw ang seremonyas. Kusang lumapad ang aking ngiti sa aking narinig. Hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang magaganap na kasal sa pagitan nina Cederic at Ceola. Sumulyap ako sa mag-amang Cairon upang magpaalam at dadaluhin ko naman ang mga Eryndor. Binati ko sina Vencel pati ang mga kapatid ko. Nasa pagitan ako nina Vencel at Raegan na nakapuwesto.

Sabay kami napatingin sa malaking pinto ng silid. Hudyat na unang papasok ay si Cederic. Nagagalak akong makita ang nakakatanda kong kapatid na mukhang preperado siya para sa araw na ito. Hindi ko rin mapigilang mapuna na ang pagiging magandang lalaki niya. Inosente nga siyang tingnan pero sa oras na nasa peligro ako, hindi siya mag-aalangan na pumaslang o makialam which I'm going to miss about him.

Nagsimula na siyang magmartsa kasabay na pinatugtog ang musika at ang koro sa kawalan. Nagtapos ang pagmamartsa niya sa tabi ng altar. Oras na upang hintayin ang magiging bride niya. Inobersahan ko siya. Pinipigilan ko ang sarili ko na matawa sa hitsura niya ngayon. Sinong mag-aakala na ang isa sa mga kinakatakutan na prinsipe ng buong Imperyo ay nenerbyosin ng ganito?

Muli kami napatingin sa pinto nang tumambad sa amin ang bride. Bumungad sa mga bisita at sa mga grupo ng Maharlika ang kagandahang taglay ni Ceola. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang puting wedding gown na isa sa mga suhesyon ko. I don't know but I feel proud at this moment.

Nagsimula na din siyang magmartsa habang hawak niya ang orange blossom flower. It symbolize purity, innocence, chastity and fertility. She was followed by her bride's maids.

Hindi matanggal ang mga mata ng mga bisita sa kaniya habang patuloy siya sa pagmamartsa. Sumulyap ulit ako kay Cederic para malaman ko ang magiging reaksyon niya. Lihim ko kinagat ang aking labi para gumawa ng reaksyon. Nasaksihan ko kung papaano maiiyak si Cederic habang na kay Ceola ang mga mata niya. This is what I want for them. The happiness and love through their eyes. It seems like they're longing for each other and gives my heart melt. I really wishing for them the unending happiness what do they deserved.

Nang nasa harap na ni Cederic si Ceola ay nakita ko ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa kaniyang mata na agad din siya inabutan ng panyo. Imbis na si Cederic ang punas ay marahan na inagaw ni Ceola ang panyo at siya mismo ang nagpunas ng takas na luha ng aking kapatid.

I find it cute, anyway.

Lihim ako lumingon sa direksyon ni Otis. Nang nagtama ang aming mga mata ay kusa niya ako binigyan ng matamis na ngiti. Okay, sa ngiti niyang 'yan, parang sinasabi niiya na excited na siya na kami naman ang sunod na ikakasal.

Ginantihan ko din siya ng ngiti saka binawi ko na din ito. Tininuon ko na 'yon sa harap kung nasaan sina Cederic at Ceola.

Hindi na rin maitatanggi na pagkatapos ikasal nina Cederic at Ceola ay kami naman ang ikakasal. Ilang buwan na din ang nalalabi at ako naman ang pupunta sa Thilawiel at doon gaganapin ang kasal namin ni Otis.

Ilang saglit nalang ay iiwan ko na ang Cyan.

Malaki ang naging parte sa akin ang Cyan sa buhay ko. Lalo na ang mga Eryndor. Mabigat man para sa akin na iwan ko sila pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para mailigtas ko sila. Napag-usapan na namin ni Otis ito kaya mas madali para sa akin at alam kong matutulungan niya ako upang maiwasan namin ang nakita kong magaganap sa hinaharap.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon