Chapter 119

1.3K 111 33
                                    

# CHAPTER119

Napagpasyahan kong umalis ngayong araw.

Kanina pa tinatapik ng hintuturong daliri ko ang mesa. Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan na nasa labas ng mansyon. Bukod sa hinihintay ko ang pag-aayos nina Ju Fen at Liu Ai ng kanilang mga gamit, hinihintay ko naman matapos ang seremonyas ng libing ng emperatris ng bansa na 'to. Ang Emperatris Yi Rei. Hindi ako tumanggi na ipalaganap ang balita na 'yon sa kabisera na inaasahan ko nga na labis ang pagdadalamhati ang buong bansa sa biglaang pagpanaw ng kanilang minamahal na ina ng bansa. Medyo nakaramdam din ako ng guilt sa suggestion ko na 'yon pero tama na din na gawin 'yon, kailangan talagang ibaon sa limot ang isang tao na hindi talaga nag-eexist sa mundong ito dahil hindi talaga 'yon ang tunay kong pagkatao. Napag-usapan din namin nina Emperador Shan at Prinsipe Ting Fei na sabay kaming pupunta sa Cyan. Sila mismo ang may gusto na makausap ang mga Eyrndor. Makipagsundo na at wakasan na ang alitan sa pagitan ng dalawang bansa. Sang-ayon na din ako sa panukala nila upang maisakatuparan na din ang plano namin nina Emperador Shan at Prinsipe Ting Fei---na ganap nang magka-alyansa namin ang Jian Yu.

Nalaman ko din na nadakip na ang mga myembro ng Opisyal na nais pumaslang sa mga magkaptid na Yu. Lalo na si Binibining Yue. Napag-alaman nilang isa ito sa mga utak, lalo na ang kinabibilangan nitong angkan na palihim na kalaban ng Pamilyang Imperyal. Ang pamilya niya ang nasa likod ng pagkapaslang sa yumaong emperador at emperatris noon.

Sa suot ko ngayon ay walang bahid na isa akong myembro ng maharlika sa lugar na 'to. Simpleng hanfu ang pinili kong suotin, 'yong magiging komportable ako. Mas madali akong makagalaw, mas maganda lalo na't hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa amin sa oras na tatapak na kami ng Cyan. Nakapusod din ang aking buhok, upang hindi ito maging hadlang sa bawat galaw ko.

Bukod pa doon, nasabi na din sa akin ng mga diwata kung anong mga klaseng sandata sila kapag nagpalit sila ng anyo. Talagang ipinakita pa nila sa akin. Tumambad sa akin kung anu-ano mga sandata na nakita ko. Merong mga pana't palaso, mahiwagang tungkod, pero karamihan sa kanila ay mga espada. Napag-alaman ko din na kapatid din nila si Amhest, sa pagkakatanda ko, nabanggit nga niya sa akin na isa din siyang diwata---diwata ng buwan. Ito lang daw ang napawalay sa kanila dahil sa sumpa na pinataw sa kanila noon ng mga demonyo, kahit din ang kanilang Panginoon ay hindi pinalagpas.

"Kamahalan!" rinig kong masiglang tawag ni Ju Fen.

Agad ako tumingin sa kaniya. Halos patakbo ang ginawa niya upang malapitan niya ako. Tulad pa rin ng dati, karaniwan lang ang kaniyang kasuotan. Pansin ko na medyo malaking bag ang suot niya. Lumipat ang tingin ko kina Wei Niu at Liu Ai na ganoon din ang kaniyang suot. Nakasunod naman ang magkapatid na Yu, ang magkaptid na Lan at Yan, ang mga personal nilang tagapagbantay na sina Heneral Peng at Kapitan Du Yi.

Awtomatiko akong tumayo mula sa aking kinauupuan. "Maayos na ba ang lahat?" nakangiting tanong ko nang tuluyang nasa harap ko na sila.

Hindi mabura sa kanila ang matatamis na ngiti. "Ayos na ayos po, Prinsesa Styriniana!" si Ju Fen ang nagsalita. Halatang excited na siya na makaalis na kami.

Tumango ako. Sunod kong binalingan sina Emperador Shan at Prinsipe Ting Fei. "Ayos lang ba na sumama kayo patungong Cyan? Hindi kaya magtaka sila dahil wala kayo dito sa Palasyo?" muli kong tanong.

Marahan na pumikit si Emperador Shan. "Walang kaso kung aalis man kami ni Ting Fei dito tutal naman ay nalutas na din ang mga butas ng nakaraan, lalo na ang sikreto na nasa likod sa pagkapaslang sa aming mga magulang." marahan din siyang dumilat saka tumingala sa kalangitan. "Sana ay maging masaya sila dahil nabigyan namin sila ng hustisya na matagal na nilang inaasam."

Nanatili akong nakangiti. Masaya ako para sa magkapatid. "Kung ganoon, wala na tayong poproblemahin pa." sambit ko. Bumaling ako sa isa pang direksyon---kung nasaan ang mga diwata. "Nakahanda na rin ba kayo?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon