Chapter 76

1.6K 117 14
                                    


Marahas kong inugoy ang espada na punung-puno na ng dugo. Tumalsik sa ibang direksyon ang ulo nito. Nanatiling nakatayo ang katawan ng unang prinsipe na aking nakasagupa, lumipas ng ilang segundo ay kusa na itong bumagsak sa aking harap. Iginala ko ang aking paningin sa buong silid sa pamamagitan ng aking malamig na tingin. Namataan ko ang dalawang tao pa na nasa Throne Room na ito. Ang Emperador ng bansang ito at ang isa sa mga prinsipe---si Prinsipe Fadil. Ang Emperador ay nanginginig na sa takot dahil sa karumal-dumal na ginawa ko sa kaniyang pamilya, habang si Prinsipe Fadil naman ay nanggagalaiti na sa galit dahil sa paglitaw ko sa kanilang harap. Rinig ko naman si Tehisa ay nagtitili na sa pandidiri pero sige pa rin ang pagpulot niya sa mga nagkalat na ulo ng Imperial Family ng Prerradith.

"Prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel..." matigas na bigkas ni Fadil sa akin. Hindi nagbabago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Ikaw pala ang may kagagawan ng mga ito!" angil pa niya. Bakit siya pa ang galit sa kabila ng ginawa niya sa kaibigan ko?

Pinili ko nalang na huwag pansinin pa ang mga sasabihin niya. Humigpit ang pagkahawak ko sa espada. I sprint forward very quick. Nagpakawala ako ng atake na agad din niyang hinarangan ang sarili niya sa pamamagitan ng hawak din niyang espada. Wala akong emosyon sa mga oras na ito, while he gritted his teeth. Hindi niya siguro akalain na ako ang magpapakita kaysa si Otis na inaasahan niya na makakaharap upang gantihan mula sa pagkatalo. Pwes, ako ang haharapin niya sa lugar ng asawa ko.

Hindi ako nagpatinag sa kaniyang depensa. Muli ako bumitaw ng sunud-sunod na atake. Bawat anggulo na pupwede kong tamaan ay ginawa ko na ngunit, mukhang nababasa niya agad kung ano ang mga atake na papakawalan ko. Nang nagpakawala naman ako ng malakas na sipa sa kaniyang sikmura ay napaatras siya. Napasapo siya doon. Rinig pa namin ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang ama, ang Emperador. Base sa obserbasyon ko sa Emperador ng Prerradith, walang wala ito mula sa mga apat na Emperador ng Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi. Wala rin akong nararamdaman na malakas na mana mula sa kaniya. Sigurado bang ito talaga ang emperador o parte lang ng palabas na ito?

I easily switch my place. Lumihis ako ng direksyon. Gulat na gulat siya nang nasa harap ako mismo ng Emperador. Agad ko inangat ang espada para pugutin ang kaniyang ulo pero kasabay n'on ay susugurin ako ni Fadil mula sa aking gilid. Agad ko itinapat sa kaniya ang isang palad ko at nagpakawala ako ng mahikang opensa. Dahil sa pwersa ay tumilapon siya sa hindi kalayuan. Dahil din sa bilis ng pangyayari, I chopped off the Emperor's head in just an instant. Tumilapon lang ito kung saan-saan. Now, I succeed to take the Emperor's head, tatlo nalang ang kailangan kong makaharap. Ang natitirang Prinsipe ng bansa na ito at ang dalawang Diyos nila.

Humarap ako kay Fadil na nanatiling nakadapa sa sahig. Malamig ko siyang tinititigan. Nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa hindi siya makapaniwala. Sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay isang malaking palaisipan kung bakit nagkaganito ang kaniyang plano. Kita ko din ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao hanggang sa manginig na ito sa pinaghalong galit, pagkadismaya, frustrations at poot. Tama 'yan, maramdaman din niya kung ano ang nararamdaman ko ng mga panahon na sinaktan niya ang mahahalagang tao sa buhay ko!

"Hanggang d'yan ka nalang ba?" malamig kong tanong sa kaniya.

Nanginginig ang kaniyang mga labi. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o mas lalo mananaig ang galit sa kaniyang sistema. Dahan-dahan siyang gumalaw. Pilit niyang tumayo. Pagewang-gewang siyang humarap sa akin. Pinulot niya ang tumilapon na espada niya. Mahigpit niya 'yon hinawakan. May inilabas siyang kulay ginto na enerhiya sa kaniyang katawan. Mukhang gagamit na siya ng mahika.

Namumungay ang mga mata ko habang pinapanood ko ang kaniyang ginagawa. Binitawan ko ang aking espada. Nakikita ko din na tila nangingitim na ang mga mata niya. Sa hitsura niyang 'yan ay nilalamon na siya ng demonyo o ng kasamaan. Itinapat niya sa akin ang kaniyang mga palad. Naglabas siya ng makapangyarihan na unang katangian ng Prerradith, ang buhangin.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon