Chapter 29

3.5K 217 15
                                    


Tumigil lang ang mga paa namin nang nasa harap na namin ang bahay-pahingahan na tinutukoy sa amin nina Vencel at Cederic. Nakasunod lang sa amin sina Ceola, Caldwell at Houstin. Tingnan ko nang mabuti ang manor na nasa harap namin. Bigla ko tuloy naalala ang manor nina Bisconde Stodge, tuloy namiss na makarating doon. Lalo na si Maria, wala na akong natatanggap na liham mula sa kaniya. Hindi na ako nagtataka ngunit alam kong abala na siya bilang isang ballerina. Lihim ako napangiti, nagkaroon ako ng isang magandang ideya. Binabalak ko siyang puntahan sa bansang Fondondra kung saan siya nakabase ngayon at nagtatrabaho bilang direktor ng alma matter niya pero nagagawa pa rin niyang magtanghal sa iba't ibang lugar o bansa. Hindi na nakakapagtaka, sadyang may talento nga talaga siya sa pagsasayaw ng ballet. Sana makita ko ulit siya sumayaw sa unang pagkakataon bilang ballerina.

Nagbukas ang pinto ng naturang bahay-pahingahan. Lumabas mula doon ang iba pa naming kapatid. Sina Raegan at Eomund. Masaya nila kaming sinalubong. Nakasunod naman sa kanila ang bitbit nilang na iilang maid at butler dahil hindi naman kami tatagal dito ng isang linggo.

"Ama, Rini, Cederic!" magiliw nilang pagsalubong nila sa amin hanggang sa harap na namin sila. "Mabuti na lamang at nakarating na kayo. Sakto na nakapaghanda na ang magiging hapunan natin sa loob." si Raegan.

"Tamang-tama, nagugutom na din po ako, kuya Raegan." sabi ko sa kaniya.

Bumaling sa akin si Raegan, nakangiti. "Huwag ka mag-aalala, Rini. Tiyak magugustuhan mo ang mga niluto namin pagkain. Wala man kami talento sa pagluluto pero tumulong kami ni Eomund sa mga tagapagluto upang maghanda."

Nangingislap ang aking mga mata. "Hindi na po ako makapaghintay na matikman ang mga inihanda ninyo, kuya Raegan, kuya Eomund."

Natatawa sila sa aking naging reaksyon. Pero dahil gutom na gutom na talaga ako, hindi ako makapaghintay na mauna nang pumasok sa loob. Hinubad ko ang suot kong boots, may sariling sapin sa paa dito sa loob ng bahay-pahingahan. Sinuot ko ang isang pares, mabuti na lang ay kasya sa akin itong napili ko. Masaya ako tumungo sa Kusina upang maghugas ng mga kamay pagkatapos ay dumiretso na din sa Dining Area. Nilapitan ko ang isang silya. Dinaluhan din ako ng isang butler. Siya ang naghila ng silya para sa akin. Masaya akong umupo. Hinintay ko na dumating din ang mga kasama ko. Sumulyap ako sa kinarooronan ni Vencel na ngayon ay nilapitan siya ng sarili niyang mayordomo. Tahimik na hinubad ni Vencel ang kaniyang suot na coat saka inabot niya ito sa mayordomo. Tahimik na nag-bow ito sa kaniya saka iniwan siya. Sunod ay nilapitan na kami ni Vencel para sabayan sa hapag. Nang tumapak na sila dito sa Dining Area ay lumapit ang mga maid at butler para hilahin ang mga upuan hanggang sa makaupo ang Imperial family pati na din sina Ceola, Caldwell at Houstin.

Sinimulan na din nila ilapag ang mga pagkain sa harap namin. Una ay inihain sa amin ay ang appetizers. Sa tingin palang ay mukhang masarap na. Nalaman ko na Harte Eyer pala ang tawag dito. It's just seasoned hard boiled eyes. Sunod na menu naman as main dish is Gaelic Steak. I could taste the savory, ito pala ang pinagtulungan nina Raegan at Eomund na lutuin. Bumaling ako sa kanila, sakto na nakatingin din sa akin, nababasa ko sa mga mukha nila ang antisipasyon kung ano ang magiging reaskyon ko. Ngumiti ako at talagang kumagat pa ako para ipakita sa kanila na sarap na sarap nga ako sa niluto. They finally looks enlighten and relief. And for dessert, they served Pecan pie pudding. May maple syrup sa ibabaw ng pudding. Sinimulan ko na itong tikman, natigilan ako saglit. Nalalasahan ko ang mga nuts sa loob nito.

After namin kumain ay nagkwentuhan muna kami kahit saglit habang umiinom kami. Napansin ko na nagagawa nang mag-usap nina Ceola, Caldwell at Houstin. Gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi nagiging out of place ni Houstin.

Mas lumapad ang ngiti ko. Ewan ko ba, mas nasisiyahan ako sa masilayan ko ang ganitong eksena. Siguro dahil gusto ko lang na magkakasama kami ng ganito. Pakiramdam ko, pantay-pantay kaming lahat sa ganitong pagkakataon man lang. Walang mayaman, walang mahirap. Walang galing sa isang Imperial family, isang ordinaryong tao.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon