Chapter 91

1.4K 79 3
                                    

# CHAPTER92

Lumipad ang palad ko sa aking bibig saka humikab nang napabalikwas na ako ng bangon pagkaumaga. Natagpuan ko din na wala na si Otis sa tabi ko nang idinilat ko na ang aking mga mata. Understood na 'yon, kailangan na niyang umalis nang maaga dahil hindi pa rin tapos ang paligsahan. Ngayong nalaman na namin na may binabalak talaga ang Arsalan na 'yon pati ang asawa niya, I can't let my guard down. Alam ko din kung anong habol nila ay ako gusto nilang punteryahan, 'yon ay gusto nilang ipaghiganti kung ano ang ginawa ko sa mga Munir. Hindi bale, may araw din ang mag-asawa na 'yon sa akin sa oras na matapos ang paligsahan na 'to---kapag nanganak na ako!

Nagpasya na akong umalis sa ibabaw ng kama. Hinawi ko ang kumot saka gumalaw na para makaalis na at makapaghanda na. Pero bakit umiba yata ang pakiramdam ko ngayon? Pakiramdam ko ay mas bumigat ako. Parang may nagbago sa aking katawan. Upang makompirma 'yon ay sinikap kong makaalis pa lalo sa kama. Agad ko dinaluhan ang salamin na nasa silid para sa amin ni Otis. Kunot-noo kong pinagmasdan ang aking sarili. Wait, bakit parang mas lumaki ang tyan ko? Nasa first trimester palang ako pero bakit ang t'yan ko ay parang kabuwanan ko na?!

Dahil d'yan ay hindi ko mapigilang mapatili dahil sa pagkawindang sa pagbabago ng aking katawan! Ilang saglit din ay mabilis na nagbukas ang pinto ng silid. Natatarantang pumasok dito sina Nesta, Faila at Regie. Bakas sa mga mukha niya na naguguluhan dahil sa ginawa ko.

"A-anong nangyayari, kamahalan?!" bulalas ni Nesta.

I face them with horror. "Nesta!" malakas kong tawag sa kaniyang pangalan, as if I'm finally saved. Agad ko siya dinaluhan saka niyakap ko siya nang mahigpit. "Nestaaaa!"

Tinapik niyang saglit ang aking likod para pakalmahin ako. Marahan siyang kumalas mula sa pagkayakap ko sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "Prinsesa, ano po bang nangyayari? Sabihin mo upang malaman ko po..."

Bumaba ang tingin ko. "Lumaki ang t'yan ko. Anumang oras ay baka manganganak na ako..."

Natigilan sila. Sabay silang napatingin sa aking t'yan. Sabay silang napasapo sa kanilang mga bibig na totoo nga ang sinasabi ko. Ibinalik nila sa akin ang kaniyang tingin na hindi makapaniwala. "Ngunit, pangatlong buwan mo palang, kamahalan!" bulalas nilang tatlo.

"Santisima, anong nangyayari?" hindi mapigilang wika ni Faila, lumipat sa kaniyang dibdib ang kaniyang palad. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nangyari sa aking t'yan. Napaitlag siya nang may napagtanto siya. "Sandali lang po, kamahalan. Pupunta din po ako agad sa bayan upang bumili po ng damit ninyo!" nagmamadali siyang talikuran ko. Bigla niyang hinila si Regie, sinasabi na samahan siya.

Tanging kami lang ni Nesta ng naiwan dito sa silid. Wait, hindi ako pupwedeng mataranta. Kailangan kong maging kalmado. Kapag hahayaan ko lang ang sarili ko na mataranta, tiyak manganganak talaga ako nang wala sa oras! Pero ang mas nangingibabaw sa akin ay ang pagtataka.

"Nesta," tawag ko sa kaniya. Pilit kong maging kalmado.

"Po, mahal na prinsesa?"

"Hindi kaya may nakain o may nainom ako kaya nagkaganito ang aking katawan?" tanong ko ngunit nakatingin ako sa kawalan.

Tila nanigas siya sa aking sinabi. Hindi niya malaman kung maniniwala ba siya o hindi. Nababasa ko din ang pagtataka sa kaniyang mukha. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Tumingin siya nang diretso sa aking mukha. "Kailangan ko pong ipaalam sa mahal na emperador ukol sa bagay na 'to, Prinsesa Rini. Kung mamarapatin mo..."

"Pero... Laban ngayon nina Otis." madamdamin kong sambit. Kinagat ko ang aking labi. Determinado ko siyang tiningnan. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa kaniya at bumaba ang tingin niya doon. "Kahit anuman ang mangyari, pupunta ako para suportahan ang asawa ko pati na din ang mga kapatid ko, Nesta."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon