Chapter 123

1.4K 98 10
                                    


Tahimik kaming naglalakad sa Pasilyo. Nasa kaliwa ko si Eglantine na malawak ang ngiti. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Para ba sa naeexcite siya na matuto sa paggamit ng mahika at pakikipaglaban, o dahil sa narinig na suhesyon mula sa kaniyang pinsan tungkol sa sundan ang magkakambal. Samantalang si Otis naman ay nasa kanan ko, nakaguhit sa mukha niya na tila basang-sisiw habang hinihimas-himas ang kaniyang ilong. Papaano ba naman kasi, dahil sa gulat na narinig ng mga ladies-in-waiting ang sinabi niya, kusa akong kumilos at piningot ko ang kaniyang ilong kaya ganyan ang kinahitnanan niya ngayon.

Haaa... I never thought Otis will be bold as what I saw a while ago. Siguro dahil na rin sa ginawa ko simula nang naging mag-asawa na kami. Naadapt niya siguro ang ugali na mayroon ako at nasanay na siyang maging ganoon sa harap ko. What a character development, huh.

Hindi bale, may oras naman na pagbibigyan ko siya. Kailangan nga lang ay hindi niya muna ako mabuntis ngayon dahil may malaking digmaan na paparating tulad ng naririnig ko. Hindi nga lang sigurado kung kailan. Sandali, hindi kaya naririto sa Cyan ang binabanggit sa akin ni Otis ang mga diyos at diyosa ng mundong-ibabaw at mundong-ilalim? Hindi kaya dahil pag-uusapan namin tungkol sa bagay na 'yon? Kaya nagpakita sa akin noon ang mga sagradong sandata dahil papalapit na talaga ang isa sa mga kinakatakutan ng lahat?

Sa gitna ng aming paglalakad ay hindi medyo nawindang ako dahil makakasalubong namin ang grupo ng mga tao. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Sina Raegan, Eomund, Cederic at Ceola. Tulad ko, napangiti sila nang makita nila kami. Mas binilisan pa nila ang paglalakad palapit sa aming direksyon.

"Rini!" masigla niyang tawag sa akin nang salubungin nila ako.

"Bakit hindi ka magpahinga pa?" si Raegan ang nagsalita.

Hindi mawala ang ngiti sa akin. "Hindi na po ako sanay na walang ginagawa, kuya Raegan. At saka, ayos naman na ang aking pakiramdam kaya walang problema."

"Saan pala tungo ninyo?" si Eomund naman ang pumuna.

Bago ko siya sagutin ay bumaling ako kay Ceola. "Balak sana naming pumunta ng Kapitolyo para sadyain si Ceola pero mukhang hindi na kailangan."

"Eh? Anong problema, Prinsesa Rini?"

Nilahad ko ang aking palad saka itinuro si Eglantine. "Kailangan niya ng tulong mo, Ceola. Nais daw niyang matuto sa paggamit ng mahika. Mas maganda kung pang-opensa, depensa at nakakagaling. Nabanggit na sa akin ni Prinsipe Otis kanina na pambihirang katangian na mahika ang mayroon ang Prinsesa Eglantine."

Sa sinabi kong 'yon, napukaw ko ang kanilang atensyon. "Anong uri ng mahika ang mayroon ang Prinsesa ng Thilawiel?" tanong ni Ceola.

"Mahika ng Keltiko (Celtic Magic), Ceola." malamig kong tugon.

Nawindang ang lahat sa naging sagot ko, maliban lang sa magpinsan na Cairon. Marahan na pumikit lang si Otis habang nakahalukipkip, si Eglantine naman ay parang naalarma at naguguluhan sa naging reaksyon ng mga Eryndor. Tulad ng aking inaasahan, walang siyang kaide-ideya kung anong klaseng mahika na mayroon siya. Nanigas siya sa kaniyang kinakatayuan niya nang seryoso kaming tumingin sa kaniya.

"A-anong problema?" naguguluhan niyang tanong.

Humarap ako sa kaniya. "Eglantine, maaari ko bang makita---"

"Mga kamahalan!" rinig ko ang mga pamilyar na boses na papalapit sa aming kinaroroonan.

Binalingan ko ang pinanggalingan ng mga boses. Tumambad sa akin ang grupo ng mga kalalakihan. Sina Calevi, Dilston, Edevine, Caldwell at Houstin. Pero hindi ko inaasahan na nakasunod sa kanila ang dalawa pang lalaki, sina Emperador Shan at Prinsipe Ting Fei. Medyo nasopresa lang ako dahil kaya nilang makihalubilo sa mga ito ngayon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon