Chapter 126

1.3K 98 12
                                    


"Kulay gintong buhok?" malamig kong ulit. Hindi maalis ang malalamig kong tingin sa kaniya. "Pinagkamalan mo akong siya dahil lang sa magkapareho ang kulay ng aming buhok, ganoon ba, ginoo?"

Biglang may isang binatilyong sumulpot sa mismong harap ko. Kahit na natatakot siya dahil sa tensyon na bumabalot sa buong silid na 'to, may sapat pa siya ng lakas na loob upang humarang mula sa kaparasuhan na naghihintay para sa kaniyang kasama dahil sa gulo na hatid nito sa Cyan. Pero nababasa ko din sa kaniyang mukha ang takot. Siguro ay nalaman niya na hindi nila maaaring guluhin ang pamilya na nakatira dito. "K-kamahalan, ako na po ang mismong nakikiusap sa inyo, patawarin ninyo po sana ang aking Kapitan dahil sa dulot na kaguluhan, labis lang po siya nangungulila sa kaniyang kasintahan na naiwan niya bago siya sumabak sa ekspidisyon. Ang totoo po niyan ay kamukha ninyo po siya, subalit kung tingnan nang maigi, magkaiba po ang mga kulay na inyong mga mata..." garagal na paliwanag ng binatilyo. Nanginginig din. 

Nanatiling malamig ang aking tingin. "Magkaiba ang kulay ng aming mga mata, subalit magkapareho ang kulay ang aming mga buhok, siguro nga. Pero nakita mo naman kung gaano kalaking gulo ang ginawa ng kapitan mo sa lugar na 'to. Alam mo naman siguro sa ginawa niyang 'to, maaari siyang makulong at magpadala ng ulat sa pinanggalingan ninyong bansa?" tumalim ang aking mga mata. "At baka ito pa ang magtulak upang magkaroon ng digmaan dahil sa sinaktan niya mismo ang prinsipe na tagapagmana na siyang malaki ang kapalit---ang kaniyang buhay."

Bigla siyang lumuhod sa harap namin. Tumingala siya sa akin. "Pakiusap, kamahalan. Patawarin ninyo po kami. Hindi ninyo rin po masisisi ang Kapitan. Labis niyang minamahal ang Binibini. Sa katunayan po, kung magkatabi po kayo, hindi rin maitanggi na tila magkambal po kayong dalawa." punung-puno 'yon ng pakiusap.

Humarap ako sa direksyon kung nasaan sina Vencel. "Papa, mga kuya... Sabihin ninyo, may kakambal po ba ako?" seryoso kong tanong. Mas maigi sa ganitong paraan ko itanong tungkol sa bagay na 'yon dahil baka mabigla na naman ako tulad ng dati.

"Pagkatapos manganak ni Lorah, isang sanggol lang ang ipinakita sa akin at ikaw 'yon, Rini." sagot niya na may bahid na kaseryosohan. "Kaya imposibleng may kakambal ka. Kung mayroon man, kasama natin siya ngayon."

Ibinalik ko sa binatilyo ang aking tingin. "Siguro ay narinig na ng kapitan mo ang kasagutan. Ito ang sapat na katibayan na hindi ako ang Binibini na inyong hinahanap." tinalikuran ko na sila. "Bibigyan ko kayo ng pagkakataon, umalis na kayo dito ay kakalimutan na namin ang gulo na ginawa ninyo." nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. Dinaluhan ko naman si Otis na seryosong nakatayo sa isang tabi. Dahil sa tangkad niya ay tumingala ako sa kaniya. "Halika at ipapagamot ko ang sugat mo---" natigilan ako nang makita ko na kusang nawawala na ang sugat sa kaniyang sentido. Oo nga pala, may kakayahan pala siya manggamot. Muntik ko pang makalimutan ang bagay na 'yon.

"Huwag kang mag-alala, my rose. Balewala 'to." malumanay niyang sambit.

Tahimik akong tumango. "Gusto ko munang magpahinga, Otis." malamig kong turan.

"Walang problema." marahan niyang inilapat ang kaniyang palad sa aking likod. Masuyo niya akong iginiya palabas ng Throne Room pero bago man kami tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang boses mula sa Kapitan.

"Kung hindi ikaw ang babaeng pinakamamahal ko... Sinasabi mo bang... Patay na siya...? Na hindi ko na siya makikita pa...?" sunud-sunod niyang tanong.

Marahan akong pumikit. "Hindi ko masasagot ang tanong mo na 'yan. Kung mahal mo siya, huwag kang sumuko na hanapin siya. Suyurin mo kahit saang parte ng mundo, ginoo." saka ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

Tahimik kaming naglalakad ni Otis sa pasilyo. Nakahawak ako sa kaniyang kamay pero naramdaman niya na humigpit ang pagkahawak ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin. "My rose?" nag-aalalang tawag niya sa akin.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Where stories live. Discover now