Chapter 137

1.1K 63 8
                                    


Sa kasamaang palad, kailangan na naming bumalik ni Otis sa Thilawiel. Ang sadya talaga namin sa Cyan ay ang sabihin sa mga Eryndor kung ano ang natuklasan namin mula sa pag-iimbestiga at ang pagbisita sa magkakambal. Dahil lang sa hindi inaasahan na pangyayari ay tuluyan nang nabuo ang pamilya namin. Nakabalik na si Theavia na siyang aking ina at si Rina na napag-alaman kong aking kakambal kahit na sa maiksing panahon lang namin siya makakasama sapagkat nasa ilalim siya ng kapangyarihan ni Miriel. Dahil din sa sinabi sa akin ni Otis na magiging permenenteng mabubuhay ng matagal ang aking kakambal sa oras na makompleto namin ang mga misyon na ibibigay ng mga diyos at diyosa sa amin, mapa-mundong ibabaw man 'yan o mapa-mundong ilalim man ay walang kaso sa akin.

Nang sumunod na araw ay agad kaming humiling ni Otis na makita ang Emperador Audrick, mabuti nalang ay hindi siya gaano abala sa mga oras na 'yon kaya napagbigyan niya kami. Imbis sa Throne Room kami mag-uusap ay napagpasyahan niyang sa mismong Opisina niya kami magkikita-kita. Nadatnan namin doon ang isa pang kapatid at pinsan ng aking asawa, sina Prinsipe Hadden at Prinsesa Eglantine. May dahilan din naman kung bakit nakita din namin sila sa silid ng mga oras na 'yon, tulad namin ay magbibigay din sila ng ulat ukol sa mga proyekto na itinalaga sa kanila.

Sa mga narinig kong ulat mula kina Prinsipe Hadden at Prinsesa Eglantine, mukhang naging maganda ang takbo ng mga ito. Tulad ng aking inaasahan ay mas pinaganda ang perfomance ng dalawa. Nakikita talaga na pinanghahawakan nila ng maayos ang kautusan na ibinigay mismo ni Emperador Audrick. Syempre, hindi rin mawawala ang balita na ipinahayag namin sa kanila na nakabalik na ng Cyan si Theavia at ang nawaawalang prinsesa. Tulad ng aking inaasahan, bakas sa mga mukha nila na hindi makapaniwala. Halos mabitawan pa ng aking byenan ang hawak niyang kopita na may lamang pulang alak dahil sa narinig. Nabanggit nila sa akin na nalaman na daw nila na buhay pa daw ang aking ina, pero ang hindi sila makapaniwaa sa kanilang nalaman na may kakambal pala ako. Para sa dagdag na detalye, mismo kami na ni Otis ang nagpaliwanag sa kanila kung ano talaga ang nangyari, base sa pinaliwanag sa amin ni Theavia. Nasabi din namin sa kanila na pansamantalang buhay ang aking kakambal.

"Masaya ako para kay Vencel." patangu-tango na sambit ni Emperador Audrick. Hinihimas ang kaniyang baba. "Natitiyak kong hindi na siya magiging malungkot pa."

"Siya nga po, kamahalan." matamis na nakangiti si Eglantine, hawak niya ang isang tasa ng tsaa. Bumaling siya sa amin. "May maganda rin pala na naidulot ng pagbisita ninyo sa Cyan."

"Tama ka, Prinsesa Eglantine." ngumiti ako saka humigop din ng tsaa. Hindi rin nagtagal ay mabilis kong binalingan ang emperador. "Siya nga po pala, Kamahalan. Nais po namin sana magpaalam sa inyo."

Huminto sa pag-inom ng alak ang emperador. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Anong ipagpapalam mo, Prinsesa Styriniana?"

"Personal po kaming inaanyayahan ng bisconde ng Corbin para sa paparating na pyesta. Kung ayos lang po sana ay dumalo kami. At isa pa po, ay importante din po ang mga presensya namin doon dahil sa hinihingi niyang pabor." magalang kong wika.

Tumalikwas ang isang kilay niya. Muli siyang tumango. "Kung ganoon ay walang problema. Tutal naman ay maayos naman pinapalakad nina Duke Oaken at Makwis Faringray ang minahan na hawak mo kaya walang kaso."

Biglang nagpatayo mula sa kinauupuan si Prinsipe Hadden, dahilan upang agad niyang mapukaw ang aming atensyon. "Ako din po, ama. Sasama po ako!" medyo malakas ang pagkasabi niya. Sa mukhang ipinakita din niya sa amin, determinadong determinado siya. Tila gusto niyang ipahiwatig sa amin na malaki ang interes niya sa pagdating sa mga kasiyahan na mayroon sa Cyan. "Tulad ng sabi ni Elvine, masaya din daw po ang palaro na mayroon sa Corbin, nais ko po sanang sumali." binalingan niya si Eglantine. "Sasama ka rin, hindi ba? Hindi ba, ibig mo ding makita ang 'yong kapatid na si Masonesa Alva Bennet na kasalukuyang naninirahan sa Cyan?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon