Chapter 86

1.4K 92 4
                                    


Kahit na napuntahan ko na kanina si Otis sa arena para batiin sa kaniyang pagkapanalo ay hindi pa rin ako kuntento. Nang matapos ang paligsahan ngayong araw ay nagmamadali akong nagpaalam kina Vencel pati kina Emperador Audrick na mauuna na akong umalis upang puntahan ko si Otis sa lugar kung nasaan siya ngayon, sa likod ng Kolosiem kung nasaan ay kasama niya ang kaniyang isinama na hukbo. Kung nasaan din ang mga kaibigan namin. Walang alinlangan silang pumayag. Kahit na hinahapo na ang mga ladies-in-waiting ko ay sinisikap nilang makasunod at makahabol sa akin kahit anuman ang mangyari.

Tumigil ako nang narating ko na ang likod ng Kolosiem. Tumambad sa akin ang mga kabalyero mula pa sa iba't ibang Imperyo at kaharian. Rinig ko ang pagtawag muli sa akin nina Nesta pero hindi ako nag-abala na pansinin 'yon. Halos magkada haba-haba na ang leeg ko upang mahanap ko lang si Otis. Natigilan ako saka lumapad ang ngiti ko nang namataan ko ang kaniyang likod. Kasalukuyan niyang kaharap ang mga kasamahan niyang kabalyero. Muli ako nagpakawala ng hakbang hanggang sa tuluyan ko siyang nalapitan. Marahan kong hinila ang kaniyang damit. Napukaw ko agad ang kaniyang atensyon. Isang gulat na tingin ang isinalubong niya sa akin nang makita niya ako sa kaniyang harap.

"My rose!" hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. Sa huli ay napalitan ng kasiyahan ang kaniyang ekspresyon.

Magsasalita sana ako nang marinig ko ang mga tunog mula sa mga kalasag. Tumingin ako sa aking gilid. Tumambad sa akin ang mga kabalyero na lumuhod sa aking harap. "Binabati po namin ang kamahalan, ang prinsesa na tagapagmana, ang Prinsesa Styriniana!" sabay-sabay nilang bati sa akin, namataan ko na ganoon din ang ginawa nina Ramas at Raymound.

Ngumiti ako saka tumango. "Binabati ko din kayo." wika ko sa marahan na tono.

"Bakit ka pala napasadya dito, my rose?" nagtatakang tanong ni Otis. "Ang akala ko ay kasama mo ang mga emperador at hihintayin nalang ang pagdating ko."

"Hindi ako makapaghintay na makita ka at batiin ulit sa inyong pagkapanalo, Otis." masiglang pag-amin ko.

Lumapad ang kaniyang ngiti. "Maraming salamat, my rose." saka hinawakan niya ang isang kamay ko. Dinampian niya 'yon ng maliit na halik. "Labis ako nagpapasalamat sa tiwala na ibinigay mo sa akin."

Nagtama ang aming paningin hanggang sa gumuhit ang mga matatamis na ngiti sa aming mga labi.

"Ahem!"

Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Tila nabato kami ni Otis nang isinawalat sa amin kung sino ang nasa gilid namin. Ang magkakapatid na Eryndor na parehong nakahalukipkip at nakapameywang, ngunit nakasimangot. Sina Calevi at Dilston na nakangiwi. Si Caldwell na nakahalukipkip ngunit nakapikit. Si Houstin at Ceola na nakangisi lang na parang pinapanood nila ang isang napakagandang palabas. Kasama din nila sina Prinsipe Mival na ngayon ay hari na ng bagong Kaharian na ipinangalan na Aliron. Naririto din sina Ginoong Arundel, kasama din niya sina Prinsipe Hadden, Prinsesa Eglantine at Prinsesa Charisse! Teka, kanina pa ba sila d'yan?

"Patawad sa panghihimasok at naudlot ang matatamis ninyong pagsinta sa isa't isa." paninula ni Eomund. Kalmado pero mukhang mainit ang ulo.

Ngumiwi si Otis. "Anong ginagawa ninyo dito?" sa lagay na 'yan ay parang naistorbo nga siya.

Mas sumimangot ang mga Eryndor. "Malamang, binabati namin ang kampeon!" asik ni Eomund.

"Babatiin ako o aawayin?" nakangising sagot sa kaniiya ni Otis.

Marahas na umirap si Eomund. "Hindi pa rin ako makapaniwala na natalo ang unang prinsipe ng Cyan sa palaro na 'yon."

Biglang lumapit si Raegan sa amin. Nilahad niya ang kaniyang palad kay Otis. Sabay kaming napatingin sa kaniya. Isang marahan na ngiti ang ibinigay niya sa amin. "Kahit ako ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng ating laban. Prinsipe Otis subalit, malugod ko 'yon tatanggapin. Binabati kita sa 'yong pagkapanalo."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon