Chapter 158

759 40 2
                                    


Itinigil nina Ramas at Raymound ang sinasakyan nilang kabayo. Mula sa kanilang kinalalagyan ngayon, tanaw nila ang isang Kaharian na ngayon lang nila nasilayan sa buong buhay nila. Hindi lang 'yon, napansin nila na nababalutan ito ng kadiliman na tila ni minsan ay hindi binibisita ng araw. Nakikita din nila na ilang sunud-sunod na kulog at kidlat ang ibinibigay sa naturang lugar na nasa kanilang harapan. Humigpit ang pagkahawak ni Ramas sa tali ng kaniyang kabayo. Nasisiguro niya na ito na ang Kaharian na itinuro sa kanila ni Emperador Hadden, ang lugar ng kanilang misyon ngayon. Sa kaniyang palagay ay dito nga kumukuta o ugat ng mga halimaw na naglilipana sa lupang sinilangan. Tinandaan din niya na hinding hindi sila magbibitaw ng digmaan hangga't hindi pa dumarating ang tunay na mga mamumuno ng Thilawiel. Mahigpit na bilin sa kanila ng mga emperador ng limang Imperyo na magmanman lamang, sa oras na makaipon sila ng mga ebidensya, agad din sila babalik at magbibigay ng ulat. Nasa likuran naman nila ang mga ibigay na hukbo, lalo na ang mga mersenaryo mula sa bansang Jian Yu.

Bumaling siya kay Raymound upang magbigay ng hudyat na mag-uumpisa na sila sa kanilang tungkulin. Tumingin ito sa kaniya pabalik at tumango bilang tugon. Sabay na silang bumaba sa mga kabayo. Lumapit sa kanila ang mga tagapag-alaga ng mga kabayo upang magbantay habang wala sila. Habang nasa byahe ay napag-usapan nila na sa oras na matanaw na nila ang tinutukoy na Kaharian ay maglalakad sila. Kinakailangan nilang maging maingat at mapagmatyag, sa gayon ay wala silang aberyang haharapin. Hindi rin sila maaaring matunungan ng mga kalaban sa kanilang pagdating.. Ngunit, alam ni Ramas na hindi buong pursyento na buo sila makakabalik ng Thilawiel kapag tapos na sila sa kanilang misyon.

Tanging mga tunog mula sa mga baluti ang umaalingawngaw habang sila'y nagmamartsa patungo sa malaking tarangkahan, bilang pasukan ng Kaharian. Nanatili silang nakahawak sa kanilang mga espada. Nakatakip ang kanilang mga mukha sa pamamagitan ng balabal, nagbabaka sakali sila na hindi sila mamukhaan ng mga mamamayan dito. Ngunit hindi ganoon ang nangyari.

Sa pagtapak nila sa naturang syudad ng Kaharian ay sinasalubong sila ng mas madilim at nakakabinging katahimikan. Wala silang natagpuan ni isa sa mga mamamayan o manlalakbay man lang. Mas nakakatakot tingan ang paligid. Hindi nila mapigilang kumunot ng noo, ang iba sa mga kasamahan nila ay hindi maiwasang magtaka sa mga nakikita. Biglang tumigil sa paglalakad si Ramas at mabilis na inangat ang isang kamay. Agad sumunod ang mga ito. Dumapo ang kanilang tingin sa isang direksyon na dahilan upang tumindig ang kanilang balahibo. Tumambad sa kanila ang mga katawan ng mga tao na nakasabit na patiwarik sa malaking patay na puno. Narinig niya sa mga kasamahan na halos iba dito ay naduduwal na sa nakikita na naiitindihan naman niya. Napapansin nilang naaagnas na ang mga bangkay. Subalit, hindi pa rin nawala sa kanilang sarili ang labis na awa na inuukol niya sa mga ito. Mapa-bata man o matanda, mapa-babae man o lalaki.

Humakbang pa siya ng kaunti palapit sa naturang punto. Ipinadikit niya ang kaniyang mga palad at nagdasal. "Nawa'y nasa tahimik na kayo... Maipapangako namin sa inyo... Na balang araw, mabibigyan namin ng hustisya ang iyong pagkawala sa mundo na ito." mahina at mataimtim niyang pagdasal. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Sinulyapan ang mga kasamahan. Nagbigay siya ng hudyat na ipagpatuloy ang kanilang pagmamanman.


Bawat hakbang na kanilang pinapakawala ay panay linga nila sa paligid. Napansin din nila ang mga nadadaanan nilang mga tindahan at mga kabahayan. Sira-sira na ang mga ito. Sa tingin nila ay sadyang sinalakay ang Kaharian na ito ng mga kalaban. Nabanggit sa kanila ng mga emperador na matagal nang abandonado ang lugar na ito, kung kaya, sumagi sa isipan nila na dito nagbabakasakaling kumukuta ang mga kalaban, lalo na't aabutin ng limang araw sa pamamagitan ng dagat bago man nila marating ito. Bago man 'yon, masigla at matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan. Bukas ito sa sinumang maaaring makapasok dito, manlalakbay man o ano pa ang lahi. Nakakalungkot man makita na ganito na pala ang kinahihinatnan nito sa loob ng mahabang panahon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon