Chapter 162

1.3K 45 24
                                    


SA KABILA ng kaguluhan ay kahit papaano ay payapang narating ni Hadden at ang kanang kamay na si Gerold ang lugar na nangangalang Lardel, ang isa sa mga probinsiya ng Thilawiel na katabi lamang ng Kapitolyo. Itinigil ni Hadden ang sinasakyang kabayo nang huminto siya sa harap ng matatayog na pader ng Lardel. Sa likod nito ay naroroon ang mga biktima ng malaking kalamidad ng bansa, mga sugatan man o hindi. Sinalubong siya ng mga kawal sa kaniyang pagdating. Sabay-sabay lumuhod ang mga ito upang magbigay-pugay sa kaniyang pagdating.

"Binabati po namin ang kamahalan, ang mahal na emperador!" Malakas at bakas sa mga boses nito ang kagalakan nang makita ang kaniyang presensya.

"Kinakailanhan ko ang ulat ukol sa lugar na ito." Seryoso niyang sabi habang naglalakad sila patungo sa loob ng malawak na lugar. Kung hindi siya nagkakamali, naririto rin ang mga anak ng maharlikanv angkan mula sa mga kaibigang bansa, lalo na mula sa bansang Cyan. "Nasaan si Duke Geodefroy at ano ang lagay nito?"

"Ang pinagpala ay nasa maayos nang kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling pa dahil malalim ang mga natamo niyang mga sugat mula sa huli niyang laban, kamahalan." Sagot ng isa sa mga matataas na kawal." "Araw-araw po kaming nakakatanggap ng mga ulat na may mga nakaligtas at humihingi ng saklolo. Ngunit, mayroon ding dinadala na mga sugatan at... Wala na pong mga buhay..."

Doon tumingil sa paglalakad si Hadden, gayundin si Gerold. Mabilis siyang lumingon sa taong nagbibigay ulat sa kaniya. Nababasa niya ang kalungkutan na nakaukit ngayon sa mukha ng mga kawal na nakasunod sa kaniya.

"Nakakalungkot na maibabalita po namin ay maraming nasawi at mga sugatan. Hanggang ngayon ay mas dumadami ang mga lumilikas mula sa malalayong probinsiya. Ayon po sa kanila ay nakakarating na din ang mga halimaw sa iba't ibang parte ng Thilawiel, pati na rin sa karatig bansa..." Dagdag pa nito.

Awtimatikong napalunok siya't kinuyom ang mga kamao sa mga narinig niya na hindi magandang balita. Kusang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, ginagapangan ng kaba at takot. Ramdam na niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod. Anumang oras ag maari siyang bumagsak. Ito ang malaking kinakatakutan niya. Ito ang kapalit sa pagpayag niya nang mahalal siyang bagong emperador kahit pansamantala lamang---na maraming mawawalan ng buhay sa malaking kalamidad. Na maririnig niya ang malalakas na pagmamakaawa at iyak ng mga nawalan ng tahanan, kabuhayan, mga mahal sa buhay at kapayapaan. Ngunit, wala siyang magagawa. Madalas niyang naririnig sa napayapa niyang ama na mahalin nang lubos ang mga Thilian. Protektahan at respetuhin din ang mga ito. Pero isang bagay lamang ang hindi niya magawa, ang protektahan ang mga ito. Sa una palang ay alam niyang wala siyang kakayahan na gawin 'yon, maliban lamang sa kaniyang mga kapatid, lalo na ang kaniyang ama at nakakatanda niyang kapatid na si Prinsipe Otis at ang asawa nitong si Prinsesa Rini.

"Kamahalan, mahal na emperador." Rinig niyang tawag sa kaniya ni Ginoong Gerold.

Lumipat ang tingin niya dito. Kita na namumula na ang kaniyang mga mata. Anumang oras ay nagbabadya na ang mga luha. Pero tawag na 'yon, tila ibig nito iparating sa kaniya na takpan ang kaniyang emosyon. Kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Na huwag ipakita sa kaniyang nasasakupan na nasasaktan siya. Tao rin naman siya, nakakaramdam din ngunit sa mga oras na ito, mas kinakailangan niyang maging matatag. Nagbuntong-hininga siya at ibinalik niya ang kaniyang matigas na tindig. Taas-noo siyang tumingin sa mga kawal. "Kailangan kong makita ang mga biktima at makita ang kanilang kalagayan." Binawi na niya ang kaniyang tingin at nagsimula na ulit maglakad. Sumunod sa kaniya ang mga ito.

Ngunit, mas nanlumo siya nang madatnan niya ang mga Thilian sa kaniyang harap. Marami sa mga kawal at kabalyero ay halos balutan na ng mga gasa at mga puting tela dahil sa mga sugat na natamo. Hindi pinalagpas ang mga sibilyan. Sa kabilang banda naman ay nakahilera ang mga katawan na wala nang mga buhay. Nakabalot na ng mga ito ng mga malalapad na puting tela. Nasa gilid ng mga ito ang malalakas na hagulhol ng mga kamag-anak. Halos sa kanila ay nagmamakaawa na ibalik sa kanila ang mga nawala.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon