Chapter 97

1K 75 9
                                    


Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ang mga tagapagsilbi sa buong Palasyo ng Thilawiel. Kahit ang mga mamamayan ay gising na upang umpisahan nang magsikilos. Kasalukuyan silang naghahanda ngayon para sa pagdating ng pinakamamahal nilang Pamilyang Imperyal, ang mga Cairon. Hindi na sila makapaghintay na ipagdiwang ang pagkapanalo at mas nakilala pa ang kanilang bansa pamamagitan ng isa sa mga pinakamalaking paligsahan na ginaganap 'yon sa Azmar. Labis din ang tuwa nila nang malaman nilang naging kampeon ang unang prinsipe, si Prinsipe Otis. Kahit sila ay hindi makapaniwala na natalo nito ang prinsipe na tagapagmana ng Cyan, na nangunguna pa rin sa pinakamalakas na Impyero sa buong mundo. Bagamat nanatiling pumapangalawa ay nais pa rin nilang ihandog ang malaking pagdiriwang na ito. Bilang pasasalamat na din sa prinsesa na tagapagmana, si Prinsesa Styriniana. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi rin uunlad pa ang kanilang bansa, lalo na't gumaganda na ang takbo ng ekonomiya at mas nabibigyan ng magagandang trabaho ang mga Thilian. Tila isang napakalaking biyaya nang dumating ang prinsesa sa kanilang bansa.

Abala ang mga mamamayan sa Kapitolyo. Mula sa pagsasabit ng mga banderitas, sa pagluluto ng iba't ibang masasarap na pagkain, hanggang sa pag-aayos at paglilinis pa ng mga kalsada. Sinisuguro nila na hindi ito makalat. Na walang basura na mapupunta doon sa oras ng parada bilang pagsalubong sa Pamilyang Imperyal. Ang mga bata naman ay masayang naglalaro, ilang beses ipinagsigawan ng mga batang lalaki na gusto nilang maging kabalyero tulad nina Ramas at Raymound dahil napanood din ng mga ito ang laban, ang duwelo. Nalaman din nilang mismo si Rini ang naghikayat sa dalawang personal niyang tagapagbantay na sumali kahit na karaniwang Thilian ng mga ito. Nakuha nila ang ibig ipahiwatig ng prinsesa kung bakit ito ang mga pinili niya. Iyon ay para bigyan din ang pagkakataon ng mga karaniwang mamamayan ng Thilawiel na maging kabalyero. Kahit sinuman, mga ordinaryo man o may dugong-bughaw ay malaya makipaglaban sa minamahal na inang bayan.

Ang mga batang babae naman ay una ipinagsisigawan ay nais nilang tularan ang hinahangaan nilang si Prinsesa Styriniana. Hindi lamang sa kagandahan at talino nitong taglay, dahil din sa malakas at magaling ito sa pakikipaglaban bagamat ay nalaman din nila ito mismo ang sumakop sa isa sa mga malalaki at malalakas na Imperyo at 'yon a Prerradith. Hindi lang 'yon, hinahangaan din nila ang busilak nitong kalooban. Iniligtas ang malapit na kaibigan sa kamay ng kalaban at ipinagkaloob ang lupain na nasakupan sa pangawalang prinsipe ng Thilawiel at pangalawang prinsesa ng Cyan na pinagharian na ang dating bansa.

Maski ang mga tagapagsilbi sa loob ng Palasyo ay abala sa paglilinis at pag-aayos ng mga kagamitan. Pinamumunan naman sila ng mga duke at iilang mga opisyal para masiayos ang pagdating ng mga kamahalan sa Palasyo. Abala din ang mga tagapagluto ng Palasyo. Sinisiguro nila na masarap na pagkain na ihahain nila sa mga ito. Niluluto din nila ang mga paboritong pagkain ng mga kamahalan upang masiyahan pa ang mga ito habang nasa selebrasyon.

Pero hindi rin maiwasan na pag-usapan nila na isinilang na ang prinsesa na tagapagmana susunod na magmamana ng trono. Ang mas hindi sila makapaniwala ay tatlong supling ang naluwal nito! Magkakambal! Pakiramdam nila ay labis silang minahal ng tinitingala nilang diyosa dahil sa ipinagkaloob sila ng tatlong saggol na taos-puso nilang pagsisilbihan sa hinaharap.

Maingat na ibinalik ni Nesta ang sanggol na si Wren, ang pinakapanganay sa magkakambal sa kuna. Nakahinga na siya ng maluwag dahil nakatulog na ito, pati na din ang mga kapatid nito na sina Daylen at Canaryiana. Sunod niyang binalingan ay ang pekeng Rini na kasalukuyan namang inaayusan nina Faila at Regie, pati na din ng mga iba pang tagapagsilbi ang buhok at mukha nito. Anumang oras ay makakabalik na sila ng Thilawiel.

Kita niya kung papaano humihikab ito sa harap ng salamin. Sa totoo lang ilang nagngingitngit na siya sa inis. Ilang beses na niya pinagtangkaang lapitan ang prinsipe na tagapagmana o ang mismong emperador ay hindi niya magawa. Hindi dahil sa natatakot siya o ano. Dahil wala pa siyang sapat na ebidensya. Simulang paalis sila mula Azmar ay lihim niya itong inoobserbahan. Una niyang nakita ay parang hangin ang trato nito sa mga kaibigan ni Rini. Kina Caldwell at Houstin kahit kay Duke Arundel. Hindi nito pinansin na akala mo ay mga walang pinagsamahan. Ang pinapansin nito ay ang mga Pamilyang Imperyal.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon