Chapter 40

2.8K 184 14
                                    

# CHAPTER40

Pinapaikot-ikot ko ang aking fountain pen sa aking mga daliri habang binabasa ko ang mga dokyumento sa harap ko. Nanatiling nakatayo sa harap ko sina Caldwell at Houstin, tahimik sila pareho. Tinitingnan nila ang magiging reaksyon ko habang binabasa ko ang ulat at mga impormasyon na pinapakolekta ko sa kanila. Inatasan ko kasi sila na maghanap pa sila ng impormasyon na may kinalaman sa krimen na pinag-aaralan namin ngayon.

Nitong mga nakaraang linggo, lumolobo na ang bilang pinatay na naiuulat. Ngayon, iniutos ni Vencel na makialam na kami para lutasin ang kaso na ito.

Hininto ko ang paglalaro sa ballpen na hawak ko. Binitawan ko ang papel saka tumingala sa kanila. Kita ko kung papaano sila napalunok. Sumilay ang ngisi sa aking mga labi. "Magaling, magagamit natin ang mga ito para mahanap natin siya." tumayo na ako saka nag-unat sa harap nila. Nilapitan ko ang hanging rack na nakadikit sa pader ng silid. Tinanggal ko mula doon ang aking itim na kapa. Isinuot ko 'yon saka humarap sa kanila. "Hindi na tayo magsasayang ng oras pa. Kailangan na natin mahuli kong sino 'yon."

"Masusunod po, kamahalan." sabay nilang sagot.

Pinauna nila akong lumabas ng silid. Tikom ang aming mga bibig habang naglalakad kami hanggang sa marating namin ang labas ng kwadra. Sakto din na naabutan din namin ang dalawang tao na inatasan na mag-alaga sa mga kabayo. Kinamusta ko ang mga ito sa maikling panahon lamang. Mabilis nilang inilabas ang mga kabayo na gagamitin namin. Agad ako sumampang sa unang kabayo. Chineck ko muna kung may maluwag ba na parte ng mga tali na nakakabit. Mukhang ayos naman. Lumingon ako sa dalawa kong kasama, nakahanda na din sila. Sinipa ko ang gilid ng kabayo para umusad na kami. Medyo yumuko ako dahil sinadya kong pabilisin ang takbo namin. Ika nga nila, time is gold. Hindi ako makakapayag na makawala ang kriminal na hinahanap namin.

Sinadya talaga namin na lumabas ng Palasyo pagkasapit ng hatinggabi. Ayon sa nabasa kong mga ulat, sa pagitan ng ala una hanggang alas kuwatro ng madaling araw ang oras na pinaslang ang mga biktima. Ni isa sa mga 'yon ay walang nakaligtas. Haaa... Magandang oras din ang pinili nila gumawa ng krimen.

Nang narating na namin nag Kapitolyo, doon na ako sumensyal na tumigil na muna kami. Bumaba ako saka tahimik kong hinila ang tali na nakakabit sa aking kabayo. Itinali ko siya sa pinakamalapit na puno. Ganoon din sina Caldwell at Houstin. Nag-umpisa na kaming maglakad at nagkahiwalay na kami nang narating na namin ang plaza, sa gayon ay maaabutan pa namin ang hinuhuli namin.

Sinadya ko talaga lumusot sa mga eskinita. Tumalon ako paakyat hanggang sa lumapat ang mga paa ko sa mga bubong. Maingat akong naglalakad, hindi makalikha ng ingay. Advantage na din 'yon para masilip ko kung anong nangyayari sa baba.

Natigilan ako nang may naririnig akong tili sa hindi kalayuan mula sa aking direksyon. Hindi ako nagsayang nga panahon. Mabilis ko dinaluhan ang pinanggalingan ng sigaw na narinig ko. Sinilip ko ang baba. Naabutan ko ang dalawang lalaki. Pareho silang may suot na itim na balabal. Pinapalibutan nila ang kahabag-habag na dalagita. Naaninag ko ang pinaghalong takot at kaba sa mukha nito. Kusang kumunot ang aking noo nang makita ko na naglabas ng patalim ang dalawang lalaki. Nagpasya na akong tumalon paibaba.

"Anong ginagawa ninyo?" malamig kong tanong sa kanila.

Napaitlag ang dalawang lalaki sa bigla ko pagsulpot. Sabay silang napalingon. Kita ko kung papaano sila nagngingitngit sa galit dahil sa pag-udlot ko sa kanilang binabalak.

"Caldwell, Houstin. Dito. Timog-kanluran ng Kapitolyo." sabi ko sa kanila sa pamamagitan ng aking isipan. Sa oras na naipadala ko na ang mensahe na 'yon, susunod na ang mga 'yon dito. Muli ko pinagtuunan ng pansin ang mga kriminal sa aking harap. "Bueno, balik tayo sa tanong ko. Anong ginagawa ninyo?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Where stories live. Discover now