Chapter 116

1.1K 81 14
                                    


Sumapit na ang gabi sa Thilawiel.

Masayang kinakarga nina Nesta, Faila at Regie ang magkakambal. Malaki ang pasasalamat nila ngayon dahil nakatulog din ang mga sanggol pagkatapos painumin ng gatas dahil sabay-sabay nagsiiyakan ang mga ito pagkagising. Mabuti nalang din ay nasa silid ang tatlong personal na tagapagsilbi ni Rini ng mga oras na 'yon. Dahil sila mismo ang inatasan ang prinsipe na tagapagmana na magbantay sa mga anak nito habang ito'y nasa digmaan sa Azmar at naghahanap pa ng personal na mag-aalaga. Hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ang tungkulin na ibinigay sa kanila, mas ikinagagalak pa nga nilang alagaan ang mga prinsipe at prinsesa ng Thilawiel. Ibinuhos nila ang kanilang oras sa pag-aalaga habang wala pa ang mga magulang nito.

Subalit, hindi rin mawala sa kanila ang pangamba. Umabot na din ang balita sa kanila pati ang prinsipe na tagapagmana ay nawawala din. Kahit na nasa kalagitnaan sila sa pag-aalaga sa mga sanggol ay hindi rin maalis sa kanila ang labis na pagkabahala. Natatakot din sila sa posibleng mangyari na baka lumaki ang magkambal na wala sa mga tabi nito ang kanilang mga magulang. Panay panalangin ng tatlo na sana ay nasa ligtas na lugar ang mag-asawa. Ipinapanalangin din nila na sana ay makauwi ang mga ito bago man tuluyang lumaki sina Prinsipe Wren, Prinsipe Daylen at Prinsesa Canaryiana. Hindi nila makakaya napanoorin ang mga sanggol na lumalaki at hahanapin ang mga magulang balang araw sa oras hindi pa rin ito nahahanap.

Nang naramdaman nila na tuluyan nang nakatulog ang mga ito, nagpasya na silang lumapit sa mga kuna ay maingat nilang ibinalik doon ang mga sanggol na kanilang hawak. Bahagyang gumalaw ang mga ito pero sa huli ay mahimbing na ang mga tulog. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Nesta. Pinagmamasdan niya ang natutulog na si Prinsesa Canaryiana. Pinag-aralan niya nang mabuti ang pisikal nitong anyo. Kahit na kulay pula ang buhok nito at nakikita niyang kulay lila ang mga mata sa tuwing ito'y gising, hindi rin maipagkaila na nakuha nito ang maraming katangian sa ina, ang Prinsesa Styriniana. Sariwa pa sa kaniyang alaala simula sanggol din ang kaniyang alaga hanggang sa huli niya itong nakita. Ang totoo, 'yon nalang ang nagbibigay kasiyahan niya sa ngayon, kahit na hindi pa rin natatagpuan ito.

"Huwag kayo mag-alala, mahahawakan din kayo ng inyong ina... Ang magiging emperatris ng Thilawiel." bigla niyang sambit habang nakatitig siya kay Prinsesa Canaryiana.

Gulat na bumaling sa kaniya sina Faila at Regie. Hindi nila aakalain na bigla nalang magsasabi ng mga emosyonal na bagay ang kasama. Ngunit, ramdam nila ang kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Sabay silang napatingin a kina Prinsipe Wren at Prinsipe Daylen na mahimbing ding natutulog sa kuna. Kinagat ni Faila ang kaniyang labi upang pigilan ang sarili na mapaiyak, samantalang si Regie naman ay napasapo ng bibig. Ayaw niya ding umiyak at baka magising ang mga kamahalan na nasa kaniyang harap.

Nagbuntong-hininga si Nesta saka tumayo. Humarap siya sa mga kasamahan. "Naniniwala ako na babalik ang prinsipe at prinsesa na tagapagmana. Alam kong malakas sila kaya hinding hindi sila matatalo o mapapahamak man lang." wika niya.

"Naniniwala din ako." sang-ayon ni Faila. Ibinalik ang tingin sa inalagaan na si Prinsipe Wren. "Naniniwala akong malalagpasan din ng Thilawiel ang unos na ito habang wala pa ang mamumuno ng bansa na ito balang araw. Ang magiging emperador at ang magiging emperatris."

"Tulad ninyo, alam ko din na babalik sila. Dahil ang mga anak nila ang rason nila ngayon upang m-mabuhay." dagdag pa ni Regie na halos pumiyok, nag-uumpisa na siyang maging emosyonal. Bumaling ito kay Prinsipe Daylen. "Hindi na ako makapaghintay na makita na magiging kompleto sila. Hindi na ako makapaghintay sa oras na makakarga ng prinsesa na tagapagmana ang kaniyang mga anak tulad ng kaniyang inaasam noong siya'y nagdadalangtao pa." at hindi na mapigilan nitong humikbi sa harap ng mga kasama. Sapo-sapo nito ang kaniyang bibig at lumayo. Inaalala pa rin ang mga mahimbing na natutulog na mga prinsipe at nag-iisang prinsesa ng Thilawiel. Ayaw nitong magising.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon