Chapter 66

2.1K 136 6
                                    

Pagkatuntong ko sa minahan ay agad ko na ginawa ang aking trabaho. Sa tulong nina Makwis Faringray at Duke Oaken ay mas marami ang nalalaman ko kung ano ang mga madalas na nakukuha ng mga Thilian sa minahan. Pangunahin na makukuha namin dito ay mga iron ore, copper, titanium. Napag-alaman ko din na may nakukuha din silang mga diamante at mga ginto na ang Cyan naman ang madalas na pagmumula ng mga ganitong mga yaman mula sa mga kabundukan.

Pinapanood ko din kung papaano ang ginagawa nila sa pagmimina na ngayon ko lang din nakita sa buong buhay ko. Ni sa dating buhay ko ay hindi ko pa nakikita 'yon, siguro sa mga napapanood ko lang sa tv, maaari pa. Hindi ko maiwasang mamangha habang pinapanood ko ang mga mamamayan na masayang masaya sila. Given na siguro na maganda na ang klima ngayon sa Thilawiel, kungdi may bago na silang kabuhayan. Napapansin ko din ang dedikasyon nila sa kani-kanilang trabaho.

Hindi rin bago sa akin na may hawak akong mga papel at panulat. Kapag may libreng oras ako sa site maaari kong isulat doon ang mga nalalaman ko para maidagdag ko sa iuulat ko kay Emperador Audrick.

Sa gitna ng aking trabaho ay nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Dali-dali kaming puntahan 'yon para malaman kung bakit nagkakagulo sa labas.

Kunot nag aking noo nang lumabas kami sa minahan. Natigilan ako nang tumambad sa amin ang dalawnag kabayo na paparating. Naniningkit ang mga mata ko habang nakatuon ang aking atensyon sa direksyon ng dalawang tao na sakay n'on. Habang tumatagal ay nanlalaki ang aking mga mata, napasapo ako sa aking bibig.

Bakit siya naririto? Anong ang gagawin niya dito?

Nanatili kaming nakatayo sa labas. Hinihintay namin na tumigil ang dalawang kabayo sa harap namin. Tumingala ako sa tao na isa sa mga sakay ng kabayo. Walang sabi na nagsiluhod ang mga tao, mapa-monarkiya man o mga karaniwang Thilian sa harap ng bagong dating. Hindi pa rin mabura sa aking mukha ang gulat. Ilang katanungan ang nabuo sa aking isipan na akala mo ay isang malaking palaisipan ang presensya niya sa lugar na ito. Bukod pa doon ay pagkaalam ko ay may mga gagawin siya sa loob ng Palasyo.

Tahimik at seryoso siyang bumaba mula sa sinasakyan niyang kabayo. Nanatili ang ekspresyon ng mukhang 'yon hanggang sa nasa harap ko na siya. Nagtama ang aming tingin. Nagawa ko siyang tanungin sa pamamagitan ng aking mga mata.

"My rose," masuyo niyang tawag sa akin. "Kailangan natin mag-usap."

Tumalikwas ang isang kilay ko. "Dumaan na ako sa opisina mo, bakit hindi mo nasabi sa akin kanina?" medyo nagulat din ako sa sinabi ko, bakit may halong panunuya na ito?!

"Dahil nagmamadali kang umalis kahit na pinipigilan pa kita."

Hindi ako makapagsalita. Marahil ay dahil may punto naman siya. Tinatanong niya ako kung anong problema pero pilit kong iwasan ang tanong na 'yon. Sa halip ay nagmamadali akong umalis at gumagawa ng rason. Ang balak ko sana ay magpapakasubsob ako sa trabaho ko ngayon para kahit papaano ay mabawasan ang pag-iisip ko tungkol kanina. Pero bakit si Otis mismoa ng lumalapit sa akin? He wanted to bring this up? Why?

Bumaling siya kina Makwis Faringray at Duke Oaken. "Hihiramin ko muna ang prinsesa na tagapagmana." seryoso niyang sabi sa mga ito.

"W-wala pong problema, kamahalan. Ipagapaptuloy lang po namin ang aming trabaho sa loob." nakangiwi nilang sabi. Sabay na nila kaming tinalikuran at bumalik na sila sa loob. Including the workers.

Kita ko na may inabot pa si Egos kay Otis. Medyo nagulat ako nang makita ko ang isang pumpon ng rosas. Nang tanggapin ito ni Otis ay ipinakita niya sa akin ito. Muli ko siya tiningnan na may pagtataka sa aking mukha.

"Otis..." mahina kong tawag sa kaniya. Tinanggap ko ang mga bulaklak na dala niya. "Hindi mo naman kailangan gawin... Ito."

"Mas hindi ako panatag kung hindi ko gawin ang bagay na ito." mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. "Sabihin mo sa akin, my rose. May nagawa ba akong masama sa iyo?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon