Chapter 34

2.9K 191 13
                                    


Nababalutan ng kahatahimikan ang pangalawang isla kung nasaan ang mga tagapanood ng naturang pyesta ng pangangaso. Kahit na madaling araw na ay nakatutok ang mga mata nila sa screen. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila---lalo na ang mga lokal ng Loray. sabay-sabay nilang masasaksihan ang isa sa pinakamabigat na laban sa buong kasaysayan ng Loray at ng mismong paligsahan. Ang pagsugpo ng mga manlalaro sa mga dalawang pinakamailap at pinakamalakas na halimaw sa isla ng kakahuyan. Mayroon sa kanila na kinakabahan, natatakot, mataimtim na nangangalangin, mayroon din halos maiyak na dahil sa awa. Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa at nananalig na matalo ang mga halimaw na naging sagabal sa kanilang magandang pamumuhay noon. Tahimik nila binibigyan ng suporta ang tatlong grupo na buong tapang hinarap ang dalawang halimaw.

Maski ang apat na Emperador mula sa Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi ay hindi rin makapaniwala sa kanilang napapanood. Ang kani-kanilang anak ay nagawang talunin ang mga ito. Dahil noong kabataan nila hindi nila nakaengkuwentro ang mga ito, maliban lang kay Vencel na kinulang lang sa oras kaya hindi nagawang tapusin ang mga ito lalo na't mailap hanapin. Pero nang masaksihan nila ang ginawa ni Rini, na halos manghina na dahil ilang elemento at ilang kakayahan na ang pinakawala nito upang matalo ang pinakamalakas na halimaw, ang hydra.

Ginapangan ng pinahalong kaba at takot si Vencel habang pinapanood niya ang kaniyang bunsong anak aabot na sa ganoon. Hindi na rin niya mabilang kung ilang lunok na ang ginawa niya. Kinuyom niya ang kaniyang mga kamao. Gustuhin man niyang tumayo at puntahan ang kakahuyan upang magbigay ng tulong ay hindi niya magawa. Naisip niya na sa oras na gawin niya ang bagay na 'yon ay paniguradong tuluyan nang magagalit sa kaniya si Rini. Sa una palang ay hiniling nito sa kaniya na gustuhin nito sumali sa paligsahan para makita ang resulta ng pag-eensayo nito sa mahabang panahon at ito na nga. Si Rini ang tumatayong taktiko ng grupo na walang mintis ang bawat plano nito. Lahat eksakto. Walang pumalya ni isa. Nagawang patunayan ni Rini sa kaniya kung ano ang gusto nito patunayan sa kaniya. Na hindi siya tipikal na prinsesa ng Cyan. Na talagang may ibubuga siya pagdating sa pakikipaglaban. Pero ang katumbas ng mga nito ay halos pigilan na niya ang kaniyang paghinga.

'Rini...' sambit ng parte ng kaniyang isipan habang pinagmamasdan niya ang kaniyang anak na mahimbing ito natutulog. May mga wound strips sa ibang parte ng katawan nito.

Naririto sila ngayon sa Ospital ng pangunahing isla ng Loray, ang nagsisilbing kapitolyo. Dito dinala ang pangkat nina Rini at Cederic, nawalan din ng malay ang mga prinsipe na tagapagmana mula sa mga Imperyo ng Thilawiel, Oloisean at Severassi na nakipagtulungan sa pagsugpo sa dalawang halimaw na naging bunga ay tagumpay. Isinugod din ang labing dalawa pang mga kasamahan nila na sinugod ng ibang halimaw habang isinasara ang itim na lagusan---ang ugat kung bakit hindi nauubos ang mga halimaw at demonyo sa isla kung saan ginanap ang paligsahan.

Ang tanging may malay lang ay sina Cederic, Caldwell at Houstin na maliit lang ang natamo nilang sugat at gasgas mula sa laban, subalit bakas din sa mga mukha nila ang pag-aalala para sa nag-iisang prinsesa ng Cyan. Naririto din sa silid ang panganay na anak ni Vencel na si Raegan at ang pangalawa niyang anak na si Eomund, hindi mabura ang pag-aalala para kay Rini, pati na din kay Ceola na napagod at nanghina din lalo na't umaasa lang ito sa mahika bilang opensa at depensa.

Napukaw ang atensyon ng mga tao sa silid nang biglang may kumatok. Si Caldwell na mismo ang lumapit sa pinto upang buksan ito. Tumambad sa kanila ang apat na lalaki sa labas ng silid. Pamilyar kay Vencel ang isa sa mga lalaki. Agad  siya tumayo para salubungin ang mga bagong dating.

Isa-isa pumasok ang mg lalaki, tulad ng inaasahan ay yumuko ang mga ito upang magbigay-pugay sa kanila. "Binabati at ikinagagalak kong makita ang mahal na Emperador ng Cyan." wika ng lalaki na may edad na.

"Magandang araw sa inyo, Hari Fenton ng Loray." pormal na balik-bati ni Vencel sa kaharap. "Bakit kayo napasadya dito? May problema ba?"

Agad ito umiling. Gumuhit ang masayang ngiti sa mga mukha nila. "Nais ko sanang bisitahin ang nag-iisang prinsesa at ang pangatlong prinispe ng Cyan. Ang itinuturing naming mga bayani ng Loray." magalang niyang sambit. Sinulyapan nito ang natutulog na si Rini.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon