Chapter 32

2.8K 201 6
                                    

# CHAPTER32

Tulad ng isinagawa kong plano. Kapag napatay na namin ang mga target, magkikita na kami sa base. Nagpasyashan na namin ni Cederic na bumalik na, nakakasiguro ako na hinihintay na kami ng mga kasamahan namin. Gagawa rin kami ng kaunting discussion para ireview ang susunod na yapak para sa plano. Kahit ganoon ay hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang dalawang mailap na mga halimaw na tinutukoy ni Vencel sa amin. Ang Loch Ness at Hydra. Iniisip ko kung saan namin sila matatagpuan. Hindi pupwedeng na hindi namin makuha 'yon hanggang sa matapos ang laro.

Mula dito ay natatanaw namin sina Ceola, Caldwell at Houstin na nakatayo sa labas ng kweba. Nakatuon ang tingin nila sa amin. Mukhang hinihintay na nga nila kami. Pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi. Tulad ni Cederic ay tila kontento sila sa resulta ng kanilang ensayo habang nasa Cyan pa kami.

"Mahal na Prinsesa!" malakas na tawag sa akin ni Ceola, masaya siyang kumakaway sa amin.

Sinalubong ko sila ng ngiti hanggang sa tuluyan na kaming nakalapit sa kanila. "Magaling ang mga ginawa ninyo." wika ko sa kanila. Syempre, dahil sa teammates ko sila, kailangan ko sila purihin sa kanilang ginawa, hindi kami ni Cederic ang magdadala ng laro, kahit din sila. Hindi lalaki ang puntos namin kung hindi rin dahil sa kanila. "Sa ngayon," inilabas ko ang papel mula aking bulsa. Ibinuklat ko ang malaking papel saka inilapag ko 'yon sa malapad na bato na nagsisilbing mesa namin. Isang mapa. Hindi man kami nabigyan ng opisyal na mapa mula ng komite, kami na mismo ang gumawa sa pamamagitan ng aking clairvoyance skills.

Nasilapitan silang apat sa akin. Tumingin sila sa ginawa kong mapa. Sumulyap ako ng saglit sa kanila. Nakaukit sa kanilang mga mukha ang kaseryosohan at mataimtim silang makikinig sa aking susunod na plano.

"Ito ang susunod natin pupuntahan." turo ko sa hilaga. Dahil nasa bandang ibaba ng silangan ang aming base ngayon. "Palagay ko, tulad sa pasugod natin sa timog, may tatlo pang demonyo ang naninirahan dito. Tulad ng sinabi ko sa unang pag-uusap natin, hangga't maaari, huwag muna natin sayangin ang mana at oras natin sa mga mababang puntos na mga halimaw. Ang mahalaga ay maubos muna natin ang mga malalakas na demonyo. Alam ninyo kung gaaano kalaking puntos ang katumbas nila." seryoso kong paliwanag sa kanila.

"Naiitindihan po namin." wika ni Caldwell.

"Ceola, marami pa naman tayong nakakapagpagaling na gayuma, tama?" baling ko kay Ceola.

Agad siyang tumango. "Opo, mahal na prinsesa. Sa katunayan ay hindi pa po natin nagagamit." sagot niya, nakangiti.

Tumango ako. Bumaling ako Houstin. "Anong pakiramdam na nakakapatay ka ng demonyo?" I need to evaluate him since this is his first time.

"Hindi ko po inaasahan, kamahalan." agad niyang sagot. "Nakikita ko na po kung ano ang malaking resulta ng aking pagsasanay kahit sa maikling panahon lamang."

Yumuko ako ng kaunti. "Pero kailangan mo parin magtipid ng mana at lakas, Houstin. Marami pa tayo makakaharap na mas malalakas pa. Lalo na sa oras nahanap na natin ang dalawang pinakailap na halimaw na tinutukoy ni papa..." saglit ako natigilan nang may napagtanto ako. Agad ako bumaling kay Cederic. "Kuya, ngayon ko lang naisip ito, bakit alam ni papa ang tungkol sa dalawang pinakailap na halimaw?"

Tumingin siya sa akin. Napahawak siya sa kaniyang baba at yumuko. "Tulad ng sabi niya naging kampeon siya sa paligsahan na ito noong kabataan ninya. Siguro ay narinig niya din tungkol doon pero hindi niya nahanap. Hindi kaya dahil doon?"

Naniningkit ang mga mata ko. Ako naman ang napaisip. Oo, may posible pero mali... Iba ang nasa isip ko. Hindi kaya naencounter na niya ang dalawang ito pero hindi niya lang napatay pero malaki ang puntos ang nakuha niya hanggang sa nagtapos ang hunt festival, hindi kaya?

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon