Chapter 131

1.1K 84 9
                                    


Marahas na isinandal ni Vencel ang kaniyang likod sa sandalan ng kaniyang upuan. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata saka hinilot ang magkabilang sentido para maibsan ang presyon na kaniyang nararamdaman ngayon. Mula nang umalis na ang Pamilyang Cairon, Albelin at Levanadel, maski ang makapatid na Yu ay naging tambak na pala ng mga trabaho na naghihintay sa kanila sa araw na ito. Bilang pinuno ng bansa, wala siyang magagawa kungdi tanggapin at pilit tapusin ang mga ito. Iba kasi ang trabaho niya kaysa sa trabaho sa kaniyang tagapagmana, ang unang prinsipe, si Prinsipe Raegan. Kahit na malaking kaginhawaan na nakakatulong na sa kaniya ang panganay na anak noon pa man sa gawain ay hindi pa rin maiwasan na mas kinakailangan ang kaniyang pag-apruba bilang huling sagot o desisyon na isasagawa sa mga suhesyon at solusyon sa bawat unos na kinakaharap ng bansa o bawat probinsiya na nasasakupan niya.

Pero buhat na ipinahayag ng yumaong prinsesa ng Azmar, si Prinsesa Unva, hindi maalis sa kaniyang isipan ang rebelasyon na ibinunyag nito sa harap niya---sa harap ng mga mamamayan ng Cyan---na buhay pa si Theavia, ang pinakamamahal niyang asawa. Hindi rin maalis sa kaniya ang galit at poot na umaahon sa kaniyang sistema sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan na naging alipin ito! Lalo na't isa ito sa mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw!

Sa isip niya, kung buhay pa ang inaakala na yumao na emperatris, bakit hindi ito nagpakita sa kaniya? Bakit hindi ito nagparamdam o magbigay ng senyales bilang tanda na buhay pa siya? Ang malaking katanungan nito ay nasaan ito ngayon? Nais man niyang hanapin ito kahit siya lang mag-isa sapagkat kaya naman ng panganay niyang anak na palakarin ang Cyan habang wala ang presensya niya ay hindi nga lang niya alam kung papaano mag-umpisa. Oo, nasasabik siyang makita niya ito pero tanging ito ang nagwawaksi sa binabalak niya.

Isa pa, nakalimutan niyang banggitin kay Rini tungkol sa bagay na ito. Maski siya ay alam na alam niyang labis na nangungulila ang bunso niyang anak sa pagmamahal ng isang ina. Tanda niya kung ano ang naramdaman at reaksyon na ipinakita nito nang sabihin niya ang totoo nitong pagkatao. Na hindi lang siya karaniwang tao.

Dumako ang kaniyang tingin sa pinto nang bigla may nakatok.

"Tuloy." medyo malakas ang pagkasabi niya. Muli siyang gumalaw. Umupo siya ng tuwid. Nakatuon ang tingin niya sa pinto ng kaniyang opisina.

Kita niya kung papaano ito kusang nagbukas. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang bumungad sa kaniya ay ang isa sa mga mayordomo ng Palasyo. Awtomatikong kumunot ang kaniyang noo makita niyang hingal na hingal ito, pinagpapawisan ito dahil parang kanina pa siya hinahanap. Ngunit, kahit sa ganoon ang hitsurang ipinapakita ng mayordomo na kaharap ay nagawa pa rin nitong batiin siya.

"Kamahalan, Mahal na Emperador," kahit na naghahabol pa ito ng hininga ay pilit pa rin nitong maging pormal.

"Anong problema?" malamig niyang tanong. Nanatili siyang nakaupo.

"Ang mga mahal na prinsipe at prinsesa ng Thilawiel..."

Nang marinig niya 'yon ay kusang nanlaki ang kaniyang mga mata, bigla siyang tumayo sa mula sa kaniyang kinauupuan. Ginagapangan tuloy siya ng kaba ngayon. Hindi niya magawang patapusin ang susunod na sasabihin ng mayordomo. Sa halip, mabilis niyang nilisan ang kaniyang opisina. Nagmamadali siyang naglakad patungo sa silid nito. Nakasunod ito sa kaniya.

"Anong nangyayari sa mga apo ko?" hindi niya mapigilang itanong 'yon habang nasa gitna sila ng paglalakad sa mahaba at malawak na pasilyo.

"Walang tigil po ang kanilang iyak, kahit ilang beses na po sila pinapatahan ng mga personal nilang tagapagbantay." mabilis na sagot nito.

"May masakit ba sa kanila kaya hindi sila tumitigil sa pag-iyak? Naipatawag ninyo na ba ang Dukesa Ceola?" sunod niyang tanong. Mas nagiging seryoso siya sa lagay na ito.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon