Chapter 30

3.3K 212 18
                                    


Sinalubong kami ng mga makukulay na banderitas. Mga maliwanag na mga ilaw na iba't ibang kulay. Maraming tao. At higit pa sa lahat, maraming tindahan na magkakatabi, marami din magpapilian! Hindi ko mapigilang kumikislap ang mga mata ko sa aking nakikita, mukhang masasarap pa naman ang mga pagkain, ang bango pa! Nakakapanlaway tuloy. Parang nawala ang kinain ko kanina sa bahay-pahingahan. Kumsabagay, mukhang natunawan na din ako dahil sa pagtakbo ko kanina saka sa pagsakay sa bangka. It buy me some time.

"Wala ako mapagpilian kung anong uunahin kainin." mahina kong sambit. Ilang beses pa ako napalunok. I can't even holding myself! Agad ako bumaling kay Otis. "Tara?" masaya kong aya sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, agad ko hinawakan ang isang kamay niya saka hinila siya. Bahala na kung saan kami mapapadpad nito. Umandar na naman ang pagiging adventurous ko pagdating sa pagkain.

"Dahan-dahan, Rini. Baka madapa tayo. Hindi tayo mauubusan." saway niya sa akin habang naglalakad kami sa pagitan ng mga nakahilerang tindahan.

Nilingunan ko siya. Hindi nawawala ang matatamis na ngiti at pangingislap ng aking mga mata. "Wala ka nang magagawa pa. Ikaw ang nag-aya sa akin dito, kaya panindigan mo ako."

Kita ko kung papaano siya natigilan. Pareho tuloy kami nakatayo sa gitna ng daan. Nanatili kami nagkatitigan. Sa mukha niyang 'yan, parang may narinig siya na hindi dapat niya marinig. Ewan ko sa isang ito. O sadyang weird lang talaga siya noon pa man?

Tumalikwas ang isang kilay ko, umukit ang pagtataka sa aking mukha. "Otis, ayos ka lang?" marahan kong tanong.

Tila natauhan siya sa tanong ko. Oh, mukhang bumalik na ang ulirat niya. "Ayos lang ako."

Eh bakit namumula ang mga tainga niya? "May nasabi ba akong masama?" sunod kong tanong. "Paumanhin kung may nasabi akong hindi maganda..."

"Wala kang ginawang masama, Rini." agad niyang tugon. Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti. "Sa katunayan pa nga ay mas pinasaya mo ako ngayon." binatawan niya ang aking kamay. Kung ako ang unang humawak sa kaniya kanina upang kaladkarin, siya na ang mismo ang humawak sa akin. "Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Pagkain man o bagay pa 'yan."

Ginalaw ko ang aking ulo. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. May namataan usok sa hindi kalayuan. Lumapad ang ngisi ko. So, 'yon pala ang naaamoy ko kanina pa? Agad ko binalingan si Otis sabay turo sa pinanggalingan ng nakikita kong usok. "Gusto ko tikman 'yon."

"Kung ganoon, pagbibigyan ko ang aking prinsesa." sa pagkakataon na ito, siya na ang humatak sa akin palapit sa aking itinuturo. 

Medyo hindi nawala ang pagkalito sa aking mukha habang naglalakad kami ni Otis. Nagagawa pa rin sumunod ang aking katawan sa nais niya. Hindi naman siguro ako nagiging abnormal, tama?

Tumigil kami sa tapat ng pinanggagalingan ng usok. Bakas sa mukha ko ang kagalakan nang makita ko ang mga tinuhog na karne. Wow, barbeque pala itong niluluto kaya pala mausok. Hindi na ako nagdadalawang-isip na bumili. Tig-tatlong stick ang binili namin. Kinakain namin ito habang naglalakad. Bumili din ng kami ng inumin sa mga food stalls. Sige pa rin ang pagaggala namin. Unti-unti na babalutan ng kasiyahan sa loob ko habang tumatagal kami dito.

"Otis, ano 'yon?" tawag ko sa kaniya sabay turo sa isa pang stall. Mas nakakatawag pansin kasi 'yung mga tao na nakakapalibot doon.

"Gusto mo bang tingnan?" alok niya.

"Pwede ba?"

"Oo naman, sa gabing ito. Ikaw ang masusunod." saad niya. Ayan na naman ang ngiti niyang 'yan. Akala mo dinala siya sa kalangitan sa lagay na 'yan. Muli niya akong hinawakan. Sabay namin dinaluhan ang naturang stall. Pareho kaming naki-ososyo kung ano ang meron doon at bakit pinapalibutan ito ng mga dayuhan.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon