Chapter 37

2.7K 178 22
                                    


Yakap-yakap ko ang libro. Tahimik akong naglalakad sa pasilyo ng Palasyo. Kakatapos lang ng aking klase. Mamayang hapon pa ang susunod kong klase kaya may oras pa ako tumambay sa aking silid o hindi kaya gumala muna pero wala na akong maisip kung saan naman ako pupunta ng ganitong oras. Medyo mainit din sa labas kaya hindi rin ako makatambay sa hardin.

Tumigil lang ako sa paglalakad nang namataan ko ang personal na mensahero ng Palasyo na kakapasok lang. Agad siya dinaluhan ng mga personal na mayordomo ng mga prinsipe, maski ang personal na mayordomo ni Vencel ay lumapit din. Kita ko kung papaano binuksan at hinalukat ng mensahero ang kaniyang bag saka may ibnigay siyang mga mga makakapal na sulat sa mga ito. Dahil din sa kuryusidad ay hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ito. Naramdaman nila ang aking presensya saka lumingon sa akin. Kita ko kung papaano sila nagulat at napasinghap nang makita ako. Hindi sila nagdalawang-isip na magbigay-pugay sa aking harap.

"Binati namin ang nag-iisang prinsesa, mahal na prinsesa Styriniana." sabay-sabay nilang sambit.

Marahan akong tumango. Lumipat ang tingin ko sa mensahero. "Mayroon bang dumating na liham para sa akin?" inosente kong tanong.

"Ah! Titingnan ko po, mahal na prinsesa." aligaga niyang sagot, minadali din niya ang kaniyang sarili na halukatin ang kaniyang bag para tingnan kung may dumating ngang sulat para sa akin. Ilang saglit pa ay may inilabas siyang makapal na bagay. Nakatali ang mga ito, hmm, mukhang nakacompile ang mga 'yon na para lamang sa akin. "Ito po ang mga sulat para lang po sa inyo, mahal na prinsesa."

Tahimik ko itong tinanggap. Marahan kong hinila ang ribbon. Tagumpay ko itong naikalas. Isa-isa kong tiningnan ang mga sobre upang malaman kung sinu-sino ang mga nagpadala ng sulat. Bahagyang kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang mga pangalan ng mga nagpadala. Lalo na sa mga family crest nila ay iba-iba din. Bakit naman ganito karaming sulat ang ipinadala sa akin?

Pero dalawang family crest ang pumukaw ng aking atensyon. Ang isa ay marahil galing sa pamilya Stodge, hindi kaya galing kay Maria ito? Sunod kong tiningnan ay ang isa pa. Pamilyar sa akin ang family crest na 'yon pero alam kong hindi ito taga-Cyan---galing pa ito sa Kaharian ng Thilawiel. Ibig sabihin, muli nagpadala ng sulat si Otis? Siguro ay may kasagutan na siya tungkol sa pangungulit ko sa kaniya na imbitahan niya ako sa kaniyang kaarawan. Haaa... Binibiro ko lang siya, inaasar ko lang din. Hindi bale, babasahin ko nalang ito mamaya. Pero may pumukaw ng aking atensyon sa isang sobre na isa sa mga hawak ng personal na tagapagsilbi ni Cederic. Base sa family crest nito ay malalaman ko na galing ito sa tahanan ng mga Gresser.

Come to think it, sa pagtatandaan ko ay nag-iisa lang ang anak ni Duke Gresser at babae 'yon. Wala nang iba pa. Wait, hindi kaya ang anak niya ang ipapakasal kay Cederic? Tama kaya ang hinala ko na siya na nga ang babaeng ipinagkasundo kay Cederic?

Lihim ko kinagat ang aking labi. Mukhang kailangan ko ang kakaunting imbistigasyon tungkol dito.

"Mahal na prinsesa?" nagtatakang tawag sa akin ng isa sa mga tagapagsilbi ni Cederic. Sakto!

Bumaling ako sa kaniya. "Gusto kong malaman kung hindi mo mamasamain." seryosong wiika ko.

"Ano pong gusto ninyo malaman, mahal na prinsesa?"

"Ang anak ba mula sa tahanan ng mga Gresser ang ipinagkasundo kay kuya Cederic?" diretsahan kong tanong.

Tila nabato siya sa kinakatayuan niyia. Sorry, but beating around the bush is not in my vocabulary. "T-tama po kayo, kamahalan..." mahina niyang tugon, may halong alinlangan 'yon.

I knew it. Lumapad ang ngiti sa aking mga labi. "Salamat sa sagot. Sige, mauna na ako." tinalikuran ko na siya't nagmamadali akong umalis sa harap nila.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon