Chapter 157

709 47 5
                                    


Dalawang ambulasya ang tumigil sa iisang Ospital na mabilis din dinaluhan ng mga staff para alalayang ilabas ang dalawang stretcher sa magkabilang sasakyan. Sunud-sunod nilang sinugod sa emergency roon ang dalawang tao na walang malay. Tumigil din sa harap ng Ospital ang mismong sasakyan ni Ramael Black. Lumabas doon ang mag-asawang Black, ang mga prinsipe na tagapagmana at si Prinsipe Ting Fei. Sumama naman sa ambulansya kanina si Prinsipe Cederic at Hyrus upang samahan na ihatid na lugar na 'yon si Otis.

Tumigil lamang sina Cederic at Hyrus nang pinigilan sila ng dalawang nurse. "Sorry pero hanggang dito na po muna kayo." mahinahon nitong sabi saka hinarangan sila sa pamamagitan ng kulay berdeng kurtina.

"How's his pulse?" agad na tanong ng doktor na tumitingin kay Otis.

"Stable po, doc. Pero wala pa rin siyang malay kahit anong gawin naming first aid kit." mabilis na sagot ng medic na nagdala. "Nakakapagtataka po talaga..."

Kumunot ang noo ng doktor. Muli niyang tiningnan ang pasyente. Kahit ang pulso, mga mata at paghinga. Tama ang sinasabi ng medic. Stable ito pero hindi pa rin ito nagigising? Agad niyang binalingan ang nurse na nasa tabi. "Kumuha ka ng request. Try to test him thru CT scan."

"Yes, doc." agad na sagot ng nurse at mabilis na umalis.

Napahimas ng baba ang doktor habang pinagmamasdan si Otis. Labis na ipinagtataka nito. Iisa lang ang nasa kaniyang isipan, maybe it's cause of an unknown illness? May sakit pa ba na hindi pa nadidiskobre sa panahon ngayon? And the syntoms are so mysterious. Ngayon lang niya naencounter ang bagay na ito. Dahil sa hindi pa niya ang alam ang gagawin ay kailangan nga niyang ma-full test ito para malaman kung ano ba ang dahilan kung ano ang dinadamdam ng pasyente.

Sa katabing espasyo kung nasaan si Otis ay ganoon din ang nakikita ng doktor na tumitingin kay Rini. Halos mapakamot ito ng ulo. Hindi niya malaman kung bakit wala siyang nakikitang mali. Ang sabi lang sa kaniya ng mga medic na nagdala ay sumasakit daw ang dibdib nito, pero nang tingnan niya kung may problema ba ito sa puso, stable naman ang heartbeat nito. She's fully fine, ika nga. Pero bakit hindi man lang ito nagigising o nagkakamalay kahit kaunti?

Tulad ng utos sa kabilang kama ay magrerequest siya na ifu-full body test ang katawan ni Rini sa gayon ay makita niya kung ano ang problema na agad din sinunod ang kaniyang utos.

Nagpasya itong lumabas. Hinawi ang makapal na kurtina. Tumambad sa kaniya ang dalawang lalaki. Si Elio Mancini na tila hindi mapakali sa isang tabi. Nang makita siya nito ay agad siyang dinaluhan. Nakaguhit sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa babaeng idinala. HIndi kalauyan sa kinalalagyan nina Cederic at Hyrus.

"How is she?" agarang tanong nito sa kaniya.

Kunot-noo niya itong tinanong. "According to the medic, she got heart attack, right?"

Agad itong tumango bilang kumpirmasyon.

Humalukipkip siyang humarap. "May ginawa ka bang masama sa kaniya, Elio?" taas-kilay nitong tanong.

Nanlaki ang mga mata nito. "How can I hit a lady kung wala naman siyang gagawin sa akin na masama..." natigilan ito na may sumagi sa isipan nito. "Except I kissed her."

"Y-yo---you kissed her...?" tila nabingi ito sa narinig na rebelasyon. "The f*ck? Are you crazy? Girlfriend mo ba 'yon?" hindi maiwasang maging marites.

Inis na ginulo ang buhok nito. "Stop asking, Esvele. Just heal her." matigas nitong saad.

She sighs. "Since I don't see the real syntoms, I need to throughfully check her. And I her family's approval."

Saglit ito natigilan nang banggitin ng doktor tungkol sa pamilya ng babaeng nakidnap niya. Lumunok ito saka umiwas ng tingin. "She doesn't have a family." ang tanging sagot niya. "Maybe she's an orphan."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Where stories live. Discover now