Chapter 14

4.4K 262 8
                                    

# CHAPTER14

Hindi maalis sa akin ang panggagalaiti. Patuloy pa rin ang pagpapakawala ko ng mabibigat na hakbang. Nakabalik ako na malapad na pasilyo ng Palasyo ng mga Albelin. Ewan ko kung bakit umahon ang pagkainis ko sa kaniya kaya nasuntok ko ang binatilyo na iyon. Dahil ba sa sobrang ginulat niya ako o dahil sa panlalandi niya? Tch.

Tumigil ako sa paglalakad. Kinuyom ko ang aking mga kamao at nagpapadyak sa sahig para mailabas ko ang aking sobrang pagkainis. Nagawa ko din magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Sunod ko ginawa ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Lumaglag ang aking panga saka nanigas sa aking kinakaatayuan nang napagtanto ko na hindi ko na matandaan kung saan ang magiging kuwarto namin. Ang mas problema ko pa ay walang katao-tao dito ni isang maid man lang kaya wala akong mapagtanungan.

Ngumiwi ako saka nilapitan ang isang pader. Lumapat ang mga palad ko doon. Lumiyad ako nang kaunti, hinahanda ang sarili ko dahil gusto kong untugin ang sarili ko. Hindi ko akalain na mararating dito ang pagiging pilya ko.

Humigop ako ng hangin saka uuntugin ko na ang sarili bilang kaparusahan na ginawa ko. Mariin kong ipikit ang aking mga mata. Uuntugin ko sana ang sarili pero biglang may humarang na malambot na bagay sa aking noo. Mabilis ko ding idinilat ang aking mga mata. Sinubukan kong tingnan kung ano ang nasa noo ko. Huh, kamay? Sinundan ko ng tingnan kung sino ang nagmamay-ari n'on. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang isang bagong mukha. Isang batang lalaki na kasing edad ko lang siya. Malamig siyang tumingin sa akin. Itim ang kaniyang buhok, maputi at makinis din ang kaniyang balat. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniyang mga mata. It's hazel brown eyes. Parang carbon copy ito ng crown prince ng Oloisean, si Prinsipe Dilston. Pero bakit parang lumiit siya?

Lumihis ang tingin ko sa bandang likuran niya. May isang batang babae naman na nasa sulok. Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil nagtatago ito na parang nahihiya pa. Teka, sino ba ang mga ito?

"Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ng batang lalaki sa akin.

Bago ko sagutin ang kaniyang tanong ay muli ako tumingin sa kaniyang kamay na nanatili pa rin nakadikit sa aking noo. Ngumiwi ako saka ako na ang mismong nagtanggal n'on. Binawi niya ang kaniyang kamay. Humalukipkip siya sa harap ko. Inaabangan ang magiging sagot ko. "Naliligaw ako." tipid kong tugon. Saka pinagmasdan ko siya nang mabuti. Nakasimpleng puting long sleeves polo shirt, pair of shorts at nakasuspenders siya. Ngayon ko lang napansin na medyo mahaba at maalon pala ang kaniyang buhok.

"Pero hindi na dito ang daan patungo sa mga silid-panauhin." malamig niyang saad.

Sabi ko na nga ba, naliligaw na talaga ako. Lalo na't hindi ko na teritoryo ito.

"Base sa suot mo, hindi ka karaniwang tao. Kaninong anak ka?" sunod niyang tanong.

Sasagot sana ako nang biglang nagsalita ang batang babae na kasama niya. "Kuya Luth..." nanginginig ang boses nito nang tawagin siya.

Tumalikwas ang isang kilay ko. Ah, so... Luth pala ang pangalan nang nasa harap ko ngayon. Okay, copy.

Mas ipinagtataka ko kung bakit medyo natataranta ang Luth na 'yon nang daluhin niya ang batang babae. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Masakit parin ba, Heidi?" malumanay niyang tanong.

Luth and Heidi pala ang mga pangalan nila. Base sa obserbasyon ko, magkapatid sila dahil halos ang features nila. Ang batang babae kasi, parang girl version ni Prinsipe Dilston. Hinimas-himas ko ang aking baba. Nanatili akong nakatingin sa kanila. Pero dahil umaandar na naman ang curiousity ko, humakbang ako palapit sa kanila. "Anong problema?" hindi ko mapigilang magtanong.

Sabay silang tumingin sa akin. Medyo napaitlag ako nang makita ko kung papaano tumalim ang tingin sa akin ng batang lalaki na nangangalang Luth. "Maaari bang lumayo ka sa amin?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon