Chapter 68

2.1K 131 3
                                    


Parehong nangingislap ang mga mata namin nina Ceca at Frostine nang narating namin ang Kapitolyo ng Thilawiel. Si Otis naman ay masayang nakangiti, pinapanood niya ang reaksyon naming tatlo. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng plaza pero patuloy paring gumagala ang aming mga mata sa piligid. Bigla ko naalala noong pyesta ng pangangaso. Maraming mga banderitas sa paligid. Mas maraming tao ngayong gabi pero magagawa naming itago ang aming katauhan sa mga ganitong oras lalo na't makakatulong ang dilim sa pagsuot namin ng balabal.

"Mama, papa! Ano po 'yon?" excited na tanong sa akin ni Ceca sabay turo niya sa isa sa mga stalls na hindi kalayuan sa amin.

Dire-diretso nang nagsasalita si Ceca sa harap namin ni Otis. Nadulas kasi siya noong isang beses na naririnig namin siya na ganoon kahit na alam naming dalawa ni Otis na kaya talaga niyang magsalita nang maayos dahil din sa paliwanag ni Frostine sa amin.

"Tindahan ng mga pagkain. Gusto mo bang makita muna para makapili kayo?" si Otis na malapad ang ngiti.

Sabay kaming tumingin sa kaniya, hindi nawawala ang pangingislap sa aming mga mata. Sunud-sunod kaming tumango bilang sang-ayon sa kaniyag suhesyon.

Dahil madalang nalang ako nakakalabas ng Palasyo ay ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataon na makita at matikman ang mga pagkain na ipinagmamalaki ng Thilawiel. Sa mga nakikita ko, hindi nawawala na may nagbebenta ng porriadge. Kung sa dating mundo ko ay dahon ng sibuyas at laman ng baka ang ginagamit sa lugaw, dito naman ay celery at laman ng tupa. Nakita din namin na  may nagbebenta ng pumpkin soup. Meron din kaming nakitang mga street foods talaga. Tulad sa mga matatamis na puddings, pies, tarts. Syempre, hindi mawawala ang mga pagkain na itiuhog. Meron ditong tinuhog na igat, sausages, lamang loob ng mga hayop na nahuli sa kakahuyan. At iba pang seafoods. Meron din nagbebenta ng bakes oysters with cheese!

Ang ending, hindi kami nakapili. Kungdi isa-isa namin tinikman! Ibilin ko kasi sa mga kasama ko na huwag sila masyado kumain sa loob ng Palasyo muna para ma-enjoy namin ang ganitong pagkain. Oh di tama ako. Walang nagrereklamo sa kanila na busog na sila. Talagang nakikipagsabayan silang tatlo sa akin pagdating sa paggiging adventurous ko sa pagkain. Minsan pa nga ay nagpapalitan kami ng opinion sa pagkain na nabili namin. Bumili na din kami ng mga panulak.

"Papa, aaaahh.." malambing na wika ni Ceca. Susubuan niya si Otis ng strawberry tart. "Ikaw din po, mama!"

Sabay namin ibinuka ni Otis ang aming mga bibig. Nang nasa bibig na namin ang pagkain ay humahagikhik si Ceca na para bang nasiyahan siya nang sobra.

Ngumunguya kami. Nilalasahan namin ang tinapay sa aming bibig. Nagkatinginan kaming dalawa saka nanlalaki ang mga mata namin.

"Masarap!" sabay naming bulalas kahit na may pagkain pa ang bibig namin.

"Ako din! Ako din!" biglang nagsalita si Frostine. "Mama, papa, aaahh!" hawak naman niya ay blueberry tart sa magkabilang kamay niya. 

Sabay kaming yumuko ni Otis para maisubo niya sa amin ang hawak niyang pagkain. Tulad sa strawberry tart, nilasahan namin ito nang mabuti. Muli kami nagkatingnan ni Otis saka napangiti. Sabay kami tumango, sumasang-ayon kami sa isa't isa na iisa lang ang naiisip namin.

Heaven!

Pagkatapos namin kumain ay patuloy pa rin kami sa paggagala. May mga tindahan na may mga magagandang items silang binebenta. Tumingin kami saglit doon, may mga binebenta din na sumbrero na pambata. Pinasubok ko ang mga 'yon kina Ceca at Frostine. Natutuwa akong pagmasdan ang dalawa dahil mukhang nasisiyahan din sila sa paglabas namin ng Palasyo. Kahit din si Otis ay mukhang nag-eenjoy din siya sa day off na ibinigay sa amin ni Emperador Audrick. Kumsabagay, ngayon ko lang narealize na kailangan nga din namin ng maayos na pahinga. Nahook na kasi ako sa mga gawain ko sa Palasyo. Hindi na kasi ako sanay na wala akong ginagawa.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon